DOTr: Libreng sakay sa rail lines hanggang Aug. 31
- Published on August 28, 2021
- by @peoplesbalita
Mayron patuloy na libreng sakay ang mga pasaherong nagpabakuna na laban sa COVID-19 sa mga rail lines na tatagal ng hanggang August 31.
Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na patuloy silang magbibigay ng libreng sakay sa mga rail lines tulad ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Line 2 (LRT2), at Philippine National Railways (PNR).
Ang libreng sakay ay mangyayari lamang kapag peak hours o di kaya ay simula sa 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at mula naman sa 5:00 hanggang 7:00 ng gabi para sa mga light trains. Habang ang PNR ay magbibigay ng libreng sakay mula 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.
Yoong mga kualipikadong sumakay ng libre ay ang mga authorized persons outside residence (APOR) o di kaya ay ang mga may edad na 18 hanggang 65 na mayron trabaho at kinakailangan lumabas ng kanilang tahanan at bumili ng mga kailangan pagkain at serbisyo. Kailangan din na mayron na silang kahit isa man lamang na bakuna laban sa COVID-19.
“We would consider extending the period of the free train rides depending on changes in the quarantine status of Metro Manila and the operational requirements of the rail lines,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.
Ang mga pasahero ay dapat magpakita ng proof na sila ay talagang APOR at patuloy na sumusunod sa mga safety protocols at hindi rin pinapayagan ang magsasalita at kumakain sa loob ng mga rail lines.
Ang mga authorized persons outside of residence tulad ng frontliners na mayron ng isang dose ng COVID-19 vaccines ay maaaring din na sumakay ng mga rails lines ng walang bayad.
Kinakailangan lamang na ipakita nila ang kanilang vaccination cards upang makasakay ng libre at walang bayad.
Mayron mga train marshals ang nakasay sa mga trains upang mahigpit na mapatupad ang mga health requirements kasama na dito ang pagsusuot ng face mask at shield, pagsunod sa distancing rules at sumusunod sa “no talking, no eating” policy upang masiguro ang kinakailangan airflow at ventilation sa loob ng mga trains.
Sinigurado naman ni Tugade na ang lahat ng mga trains ay sumasailalim sa mga disinfection pagkatapos ng isang biyahe nito.
Ang LRT 2 ay mayron 13 na estasyon simula sa Recto hanggang Antipolo. Samantala, ang MRT 3 naman ay may 13 na estasyon na nagsisimula sa Pasay hanggang North Avenue. Ang PNR naman ay 20 na estasyon. LASACMAR
-
Disney Delays 6 MCU Release Dates, Removes 2 Marvel Movies From Slate
DISNEY has delayed 6 different Marvel movies and removed the release dates for 2 others. The Marvel Cinematic Universe is known for its carefully plotted schedules, as oftentimes each project relies on another for either set up or continuation. 2020 proved to be a major obstacle for the franchise when the coronavirus pandemic forced Marvel Studios to […]
-
Pres. Marcos at King Philippe ng Belgium nagpulong
IPINAGMALAKI nito na mayroon ng mahigit 76 taon na ang bilateral ties ng Pilipinas at Belgium. Bukod kay King Philippe ay makakasalamuha ay magkakaroon din ng bilateral meeting ito sa mga lider ng Belgium, Estonia, Czech Republic, Spain, Denmark, Germany, Poland, Finland, Netherlands at European Union.
-
WHO naniniwalang mayroon ng bakuna laban sa COVID-19 sa katapusan ng taon
NANINIWALA ang World Health Organization (WHO) na posible sa katapusan ng taon ay mayroon ng bakuna laban sa COVID-19. Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na maraming mga bansa na ang nag-uunahan na na gumawa na ng bakuna. Mayroon na kasing siyam na experimental vaccines sa ilalim ng WHO-led COVAX global vaccine […]