• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTR may mungkahi na babaan ang pamasahe sa PUVs

ISANG internal memorandum ang ginawa ng Department of Transportation (DOTr) kung saan kanilang minumungkahi na babaan ang pamasahe sa mga public utility vehicles (PUJs) sa buong bansa.

 

 

Kinumpirma naman ni DOTr undersecretary Mark Steven Pastor na ang nasabing memorandum ay may katotohanan subalit hindi pa ito final at hindi pa official na dapat ay ilalabas sa publiko lalo na sa media.

 

 

Ayon sa isang report na nilabas ng GMA News ang nasabing memorandum ay pinaguutusan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibaba ang pamasahe sa mga traditional at modern jeepneys, buses at UV Express.

 

 

Iminumungkahi na magkaron ng P3 rollback sa mga traditional jeepney at maging P9 na lamang mula sa dating P12 at P11 naman sa mga modern jeepney mula sa dating P14. Habang ang buses ay magkakaron ng rollback na P3 hanggang P4.

 

 

Hindi naman nakalagay ang fare cut figures sa UV Express. Sinabi rin ng LTFRB na dahil wala ng programa ng Libreng Sakay ngayon taon, kanilang minumungkahi na magkaron at bigyan ng discount ang mga pasahero.

 

 

Dagdag pa ng report na ang mababang pamasahe ay temporary lamang hanggang ang P2.16 billion na programa sa service contracting ng LTFRB ay hindi pa nauubos.

 

 

Sa kabilang dako naman, nagkaron ng resolusyon ang Supreme Court (SC) na kinukumpirma ang iba’t ibang halaga ng multa sa mga traffic violations kung saan ang mga drivers, transport operators at grupo sa transportasyon ay nagsabing ang mga multa ay hindi makatarungan at unconstitutional.

 

 

Isang consolidated na petisyon ang inihain ng iba’t ibang operators, drivers at grupo sa transportasyon kung saan hinahamon nila ang constitutionality ng Department Order 2008-39 at ang amendments version ng Joint Administrative Order (JAO) 2014-01 na ginawa ng at ipanatutupad ng Department of Transportation at Land Transportation Office (LTO).

 

 

Sa ginawang 69-page na desisyon ng SC na sinulat ni Associate Justice Jhosep Lopez, ang high court ay nagsabing ang pagpapataw ng mas mataas na multa ay kailangan upang maitaguyod ang public safety at welfare. LASACMAR

Other News
  • Portugal niluwagan na ang travel restrictions ng mga pasahero na bumibisita sa kanilang bansa

    NILUWAGAN  ng Portugal ang kanilang travel restrictions para sa mga pasahero na nagtutungo sa kanilang bansa.     Lahat aniya ng mga European COVID-19 certificates, EU digital pass o ibang mga kinikilalang vaccine passes ay hindi na kailangang magpakita pa ng negatibong test result sa pagpasok sa bansa.     Ang EU COVID-19 certificates kasi […]

  • Random manual audit, 99.9% ang match rate sa automated tally – Comelec

    AABOT sa 99.9 percent ang match rate ng isinasagawang random manual audit (RMA) ng mga boto noong May 9 elections kumpara sa automated tally.     Ayon sa Commission on Elections (Comelec), nasa 99.97 percent accuracy ang naitala para sa presidential position, 99.94 percent naman para vice presidential, 99.97 percent sa senatorial, 99.79 percent sa […]

  • Tattoo artist tinodas sa Navotas

    Patay ang isang tattoo artist matapos barilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek sa harap ng kanyang bahay sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.       Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang biktima na si Ryusi Soriano alyas “Adjong”, 25 ng 19 Pat Buntan, Brgy. San Roque.     […]