• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: Mga empleyado ng rail lines sumailalim sa antigen test

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na may 345 na empleyado ng mga rail lines ang sumailalim sa antigen testing at nagpositibo matapos ang ginawang testing.

 

 

Nagpositibo rin ang may 56 na empleyado matapos na sila ay sumaillaim naman sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR tests).

 

 

May kabuohang 1,709 na empleyado ng Light Rail Transit Line 1, Light Rail Transit Line 2, Metro Rail Transit Line 3, at ng Philippine National Railways (PNR) ang sumailalim sa antigen testing simula pa noong nagdaang Lunes.

 

 

“Out of these 1,709, we have recorded 345 COVID-positive cases based on antigen. So far, 56 have confirmed positive after undergoing RT-PCR tests,” wika ni DOTR undersecretary Timothy John Batan.

 

 

Dahil ang Metro Manila ay nasa ilalim na muli ng Alert Level 3, ang DOTr ay minarapat na gumawa ng mga hakbang upang masiguro na ang mga pasahero at empleyado ay protektado laban sa COVID-19.

 

 

Ayon pa rin sa DOTr, ang mga empleyado ng LRT Line1, LRT Line 2, MRT 3, at PNR ay kinakailangan sumailalim sa antigen testing at ang mga magpopositibo ay kinakailangan naman na sumailalim din sa RT-PCR test.

 

 

“Antigen testing started last Monday and it is ongoing by batches due to the number of people we have in the rail sector. The testing will continue throughout the week until we test all our rail personnel, and to quarantine and give the necessary treatment for those who are infected,” dagdag ni Batan.

 

 

Nilinaw din ni Batan na hindi naman maaapektuhan ang operasyon ng lahat ng rail lines sa Metro Manila dahil sa ganitong pangyayari.

 

 

Sa kabilang dako naman, ang sentral na opisina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City ay walang operasyon noong nakaraang Huwebes at Biyernes dahil ang mga empleyado ay sumailalim din sa swab testing.  LASACMAR

Other News
  • PDu30, tiniyak ang tapat, mapayapa at kapani-paniwalang halalan sa Mayo 2022

    TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Filipino na sisiguraduhin ng kanyang administrasyon ang tapat, mapayapa at kapani-paniwalang halalan sa May 9, 2022.     Idagdag pa rito ani acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pagsasagawa ng electoral exercise na ganap na aayon o susunod sa requirements ng Konstitusyon at batas. […]

  • C-Stand, NorthPort malakas – Ravena

    KAIBA sa pangkaraniwan ang namamataan ni Ferdinand ‘Bong’ Ravena, Jr., na team-to-beat sa 45th Philippine Basketball Association Philippine (PBA) Cup 2020 na iniurong ang pagbubukas sa Marso 8 mula sa Marso 1.   “Actually, NorthPort ‘yung team to watch, eh,” samantaha ng Talk ‘N Text coach na dinahilan si Fil-Germand Christian Standhardinger. “Intact sila and […]

  • 5 nalambat sa P241K droga sa Malabon

    Limang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang babae ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.     Sa ulat, alas-3:30 ng hapon nang masagawa ng buy bust operation NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLTCOL Macario Loteyro at PMAJ Jerry Garces sa […]