• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: Pilot operation ng AFCS sa modern PUVs, tatagal ng 9-12 buwan

TATAGAL  umano ng mula siyam hanggang 12-buwan ang pilot ­operation ng automated fare collection system (AFCS) sa mga modernong public utility vehicles (PUVs) na isinusulong ng Department of Transportation (DOTr), katuwang ang Land Bank of the Philippines (LBP).

 

 

Ayon kay DOTr Undersecretary Timothy John Batan, sa kasalukuyan ay pili pa lamang ang mga units ng modern PUVs na kalahok sa programa, gayundin ay payment cards pa lamang ng Land Bank ang ginagamit nila.

 

 

Sakali naman aniyang maging matagumpay ang programa ay tatanggap pa sila ng mas mara­ming payment cards at sasakupin na rin nito ang iba pang unit at ruta ng modern PUVs.

 

 

Nabatid na nasa 150 PUVs sa bansa ang kalahok sa pilot run at tanging Land Bank prepaid at credit contactless cards pa lamang ang tinatanggap ng mga ito.

 

 

Sa sandali naman ­anilang makapagpalabas na ng mga kinakailangang regulasyon at polisiya, maaari ring tumanggap at magproseso ang Land Bank AFCS solution ng iba pang EMV contactless cards na iniisyu ng ibang local banks.

 

 

Una nang sinabi ni Batan na ang Automated Fare Collection System Euro-Mastercard-Visa Pilot Production Testing Project (AFCS EMV PPT) ay naglalayong isulong ang cashless payment sa mga modernong PUVs.

 

 

Sa ilalim ng programa, maaaring gamitin ng mga commuters na pambayad sa mga modern PUVs ang kanilang LBP master cards, ATM, credit o debit cards upang pambayad ng pamasahe.

 

 

Kinakailangan lamang aniya ng mga pasahero na i-tap ang mga natu­rang LBP cards sa kanilang pagsakay at pagbaba sa mga jeep.

 

 

Nilinaw naman ni Batan na maaari pa ring magbayad ng cash ang mga pasahero kung wala silang payment cards. (Daris Jose)

Other News
  • Ads March 21, 2024

  • Matindi silang maglalaban sa Best Actress: JUDY ANN, walang panghihinayang na ‘di nakasama si VILMA sa ‘Espantaho’

    SA panahon ng Pasko, maghanda para sa isang hindi malilimutang cinematic experience na hatid ng Quantum Films sa mga manonood ang “Espantaho” para sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).     Ang “Espantaho,” isang nakagigimbal na horror-drama na mula sa master ng Philippine horror cinema na si Chito S. Rono.     Sa naturang […]

  • Paghahamon ni Pacquiao dahil sa ‘frustrations’ vs anti-Asian hate crimes – trainer Somodio

    Naniniwala ang assistant ni coach Freddie Roach na maaaring frustrated na rin si Sen. Manny Pacquiao sa mga nangyayaring karahasan laban sa mga Asian Americans kaya’t hinamon nito ang mga suspek na siya ang kalabanin.     Sa panayam kay Marvin Somodio mula sa Los Angeles, California, naniniwala siya na maaaring nasasaktan na rin ang […]