• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: Walang nangtaas-pasahe ngayon 2022

TINIYAK noong  Lunes ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na magtataas ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan hanggang matapos ang 2022.

 

Ayon kay transport Secretary Jaime Bautista hulina ang inaprubahang taas-pasahe sa marmaming public utility vehicle (PUVs) noong Setyembre.

 

“This coming holiday season, we make it sure that there will be no fare hike in all public utility vehicles to help ease the surging prices of basic commodities especially in the coming holiday season,” wika ni Bautista.

 

Pinag-aaralan din umano ng DOTr kung sapat o kailangan pang magdagdag ng PUV dahil matapos ang dalawang (2) taon, ngayon lang ulitin aasahan na ang mga pasahero ay magsisidagsaan sa mga pampublikong lugar para sa darating na Pasko.

 

Samantala, kaugnay sa idinaraing ng ilang pasahero na mataas na pasahe sa transport network vehicle services (TNVS), ipinaliwanag ng kumpanyang Grab na posibleng dahil ito sa tinatawag na “surge charge.”

 

Ang surge charge ay dagdag-singil kapag marami ang nangangailangan ng masasakyan pero kaunti ang supply ng sasakyan o pahirapang makahanap ng masasakyan. Ito rin ang dagdag singil kapag rush hours.

 

Hanggang “times two” na surge ang kasalukuyang pinapayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

 

Halimbawa, kung ang pasahe mula Ortigas Center hanggang Quezon City ay P500, kapag may surge charge na “times two,” ito ay posibleng umabot hanggang P900.

 

Kaya wala talagang pagtaas sa pasahe ng Grab sapagkat fully regulated ng LTFRB ang pasahe dito at sumusunod naman ang Grab sa existing fare matrix na pinatutupad ng LTFRB. LASACMAR

Other News
  • 2 construction workers, bebot timbog sa Valenzuela buy bust

    TATLONG hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang 41-anyos na bebot ang nasakote sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng umaga. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Penones Jr, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destutra Jr na alas-10:30 ng umaga nang magsagawa […]

  • 18-anyos pababa bawal pa rin lumabas – MMDA

    Nilinaw kahapon ng Metropolitan Development Authority (MMDA) na bawal pa rin ang mga kabataang may edad 18- anyos pababa na gumala sa mga lansangan sa kabila ng pinaluwag na restrictions sa National Capital Region (NCR).     Kasunod ito ng pag­dagsa ng pami-pamilya sa mga pook pasyalan para mag-celebrate ng Father’s Day kahapon kasama ang […]

  • Quincentennial anniversary rites of 1st Holy Mass sa PH maayos na nairaos – Sinas

    Mapayapa at matagumpay naidaraos ang quincentennial anniversary rites ng First Holy Mass sa Pilipinas na isinagawa sa Limasawa, Leyte, kahapon, March 31, 2021.     Ayon kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, pinaigting ng PNP region 8 ang seguridad sa lugar para mapanatili ang peaceful and orderly culmination ng ika- 500th Year of Christianity celebration […]