Double face mask mas mabisang pang-iwas vs COVID-19
- Published on February 15, 2021
- by @peoplesbalita
Inirekomenda ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) ng Estados Unidos ang pagsusuot ng dobleng face mask para mas mabisang makaiwas sa pagkahawa sa coronavirus 2019.
Sa bagong resulta ng pag-aaral ng CDC, mas mabisang pag-iwas sa virus kung ipapatong ang cloth mask sa disposable medical mask.
Kapag isang disposable mask lang ang isinuot, mapoprotektahan nito ang isang indibidwal ng 42% lamang kontra sa mga droplets. Tataas ito sa 92.5% kung pagsasamahin ang cloth mask sa ibabaw ng medical mask.
Hinikayat din ng CDC ang publiko na tiyakin na naka-fit ang mga masks sa mukha para tuluyang hindi makakapasok ang virus. Ipinayo nila na gumamit ng masks na may nose wire para maging ‘snug fit’ at ibuhol ang ear loops para protektado ang gilid.
Hindi naman umano kailangan na dobleng surgical mask ang gamitin at hindi rin kailangan na ipandoble ang KN95 mask.
-
Ginang kulong sa P200K droga sa Valenzuela
KALABOSO ang 58-anyos na ginang na sangkot umano sa pagtutulak ng iligal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu nang madakip ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City. Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ang […]
-
Suporta sa atletang sasabak sa Tokyo Olympics, tuloy – PSC
Siniguro ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner William “Butch” Ramirez na tuloy ang kanilang buong suporta sa mga atletang lalahok sa 2021 Tokyo Olympics. Nangako ang PSC ng buong suporta kahit pa tinapyasan ng gobyerno ang kanilang pondo dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19. Isiniwalat ng PSC, na aabot sa P1.3 billion ng […]
-
Casimero kakasahan si Inoue kahit saan
ATAT pang makipagsuntukan si World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero, lalong sa madaling panahon laban kay Japanese Monster Naoya Inoue. Ayon kamakalawa sa 30-year- old Ormoc City boxer, kahit siya pa mismo ang mag-adjust at pumunta sa bahay ng Hapones gagawin niya makaumbagan lang niya ito at magkalaaman kung sino ang […]