DPWH at DSWD, kapwa nanguna sa Q3 gov’t spending
- Published on November 9, 2023
- by @peoplesbalita
KAPWA nanguna ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa paggasta ngayong third quarter ng taon.
Ito ang isiniwalat ni National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon sa Palace press briefing, araw ng Martes matapos ang sectoral meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bagama’t una nang tumanggi si Edillon na sagutin kung ano ang mga ahensiya ng pamahalaan ang nag-improve ang kanilang paggasta, kalaunan ay sinabi nito na nanguna ang DPWH pagdating sa capital spending na sinundan naman ng DSWD.
Ang government spending, ang sinasabi ng mga economic managers ng bansa na siyang makakapagpa-improve sa growth rate sa pagtatapos ng taon, isa sa tatlong agenda na tinalakay ni Pangulong Marcos.
Ang dalawang iba pa ay ang food inflation at non-food inflation.
“Iyong sa spending, ni-report ng DBM iyong naging progress natin na actually for this third quarter, mataas ang naging spending ng mga ahensya,” ayon kay Edillon.
Ipinaliwanag pa nito na nagawang isumite ng mga ahensiya ang kanilang “catch-up plans, habang marami sa mga ito ang nag- improve ang kanilang paggasta para sa third quarter.
“So, we’re expecting, yeah.. actually that’s until end of September na pala iyong datos nila. So, talagang we’re able to plug naman those holes,” ang pahayag ni Edillon.
Matatandaang, buwan ng Agosto ngayong taon ay sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na ang pagpapabilis sa implementasyon ng mga proyekto at programa ay mapakikinabangan ng ekonomiya para sa second half ng 2023.
Isiniwalat din nito na ipinresenta ng ahensiya ang catch-up plans at action plans para sundin ng mga ahensiya ng gobyerno.
Samantala, tinalakay naman ni Edillon ang report mula sa Sub-committee on Inflation and Market Outlook, nilikha ni Pangulong Marcos na may layuning “to provide advice anticipating the developments either in the country and especially outside.”
“The directive from the subcommittee was to prepare for the El Niño phenomenon, especially in the agricultural sector since there are ways to ramp up the production in provinces that will be less likely to be affected by the extreme climate,” ayon kay Edillon.
Binigyang diin din nito ang pangangailangan na masusing i-monitor ang presyo ng langis pagdating sa larangan ng epekto sa non-food items sa overall inflation ng bansa.
“With respect to non-food inflation, ang nakita namin na medyo kailangan nating bantayan is still the fuel prices which hindi naman natin masyadong magagawaan ng paraan except really to manage the demand in which case it’s really energy conservation,” ang litaniya ni Edillon.
Samantala, kumpiyansa naman si Edillon na maging ang epekto ng Israel-Hamas conflict sa fuel at energy prices sakali’t umigting ay maaaring ma-contain ng pagtatapos ng ilang energy power plants at transmission projects ngayong taon o sa unang bahagi ng susunod na taon.
-
Umawat sa away… Magkapatid pinagsasaksak, 1 patay, 1 sugatan
NASAWI ang 36-anyos na lalaki habang sugatan naman ang kanyang kapatid matapos pagsasaksakin ng isa sa apat na kalugar makaraang umawat ang mga biktima sa away sa Malabon City. Dead-on-arrival sa Makatao hospital sanhi ng tinamong tatlong saksak sa katawan ang biktimang si Marlon Dollete, habang ginagamot naman sa Tondo Medical Center sanhi […]
-
Philhealth at gobyerno, nangakong tatalima sa TRO ng SC sa paglilipat ng P29.90B sobrang pondo sa national treasury
NANGAKO ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na tatalima ito sa temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema sa paglilipat ng P29.90 billion na natitirang labis na pondo sa national treasury. Sa parte naman ni Solicitor General Menardo Guevarra, nirerespeto umano niya ang kautusan ng SC. Ang opisina nga ng SG ang humiling […]
-
Gobyerno, target bakunahan ang 15M sa 3-day nat’l vaccination drive
TARGET ng pamahalaan na bakunahan ang 15 milyong Filipino sa isasagawang three-day national Covid-19 vaccination program na tinawag na “Bayanihan, Bakunahan” Day mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1. Sinabi ni Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force (NTF) against Covid-19 sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kasama […]