DPWH Sec. Villar at DENR Sec. Cimatu, itinalagang bagong head ng task force na mangangasiwa sa rehab efforts
- Published on November 19, 2020
- by @peoplesbalita
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sina DPWH Secretary Mark Villar at DENR Secretary Roy Cimatu para mangangasiwa sa Task force.
Dahil dito, malinaw na hindi na si Executive Secretary Salvador Medialdea ang mamumuno sa Task Force na pinalikha ni Pangulong Duterte na siyang tututok sa ikakasang rehabilitation efforts ng pamahalaan.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque, na ito ang ilan sa mga binago sa Executive Order na lumilikha sa “Build Back Better Task Force.”
Ani Sec. Roque, ang pagbabago ay ginawa batay na din sa siyensiya.
Kailangan lang din naman aniya na ang DPWH ang manguna sa rehabilitation efforts gayung ang pinag- uusapan dito ay pagkukumpuni at paggawa ng mga tulay, lansangan at mga gusali na winasak ng bagyo.
Habang nasa DENR naman aniya ang turf kung scientific reason ang pag- uusapan lalo na sa isyu ng climate change. (Daris Jose)
-
Pinas, may “binding obligation” sa posibleng pagbili ng Sinovac vaccine sa China
MAYROONG “binding obligation” ang Pilipinas hinggil sa posibleng pagbili ng COVID-19 vaccine doses sa Sinovac ng China. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay tugon sa sinabi ni Finance Undersecretary Mark Joven sa Senate inquiry noong nakaraang Biyernes na ang term sheet na tinintahan ng gobyerno ng Pilipinas at Sinovac ay hindi […]
-
Sec. Duque, sinalungat ang isyu na humuhupa na ang banta ng CoVid -19 sa bansa
PINALAGAN ni Health Sec Francisco Duque ang ulat na unti -unti nang humuhupa ang banta ng CoVid 19 at nagiging stable na ang sitwasyon sa mundo Sa Laging Handa press briefing ay sinabi ng kalihim na hindi pa sapat ang mga datos at pabago-bago pa ang sitwasyon para sabihing nagiging mabuti na ang lahat […]
-
Unreleased Bayanihan 2 funds, pinabubusisi
Mahigit 30 mambabatas ang lumagda sa isang resolusyon na humihikayat sa na magsagawa nang imbestigasyon sa pagpapalabas at paggamit ng pondo na inilaan sa ilalim ng Republic Act No. 11494, o Bayanihan to Recover as One Act. Ayon kay AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin, isa sa mga awtor ng House Resolution 1558, kailangang […]