Dr. Carl, malaki ang tiwala sa all-nurse cast: Napiling bida ng ‘Siglo ng Kalinga’ na si JOY RAS, naging emosyonal
- Published on November 23, 2022
- by @peoplesbalita
INI-REVEAL na ang all-nurse cast nang malabuluhan na pelikulang ‘Siglo ng Kalinga’ na inspired sa buhay ni Anastacia Giron Tupas, na siyang nagtatag ng Filipino Nurses Association noong 1922.
Ang FNA nga ay naging PNA, pagkaraan ng ilang taon. At layon ng pelikula ang pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng Philippine Nurses Association.
Ang proyekto ito ay nabuo dahil kay Dr. Carl E. Balita at ang kanyang film outfit na Carl Balita Productions (CBP) ang producer, in cooperation with the PNA.
Ang ‘Siglo ng Kalings’ ay ididirek ni Lemuel C. Lorca na marami nang nagawang advocacy films. Mula ito sa panulat ni Archie del Mundo.
Ayon sa naging pahayag ni Dr. Carl, “Ang PNA (Philippine Nurses Association) is celebrating it’s 100 years – so ano, centennial… and we would like to immortalize the stories of the nurses, especially in the middle of this pandemic and that became the inspiration to us to immortalize the celebration, thru a film.”
Proud at kampante din siya kung bakit sila nag-decide na maging all nurses cast ang naturang kaabang-abang na pelikula, dahil naniniwala si Dr. Carl na naturally talented ang nurses, kaya di na nila kailangang umarte.
Say pa niya, “Sa akin, I’d like to put the spotlight on these actresses who are potential stars. Malay n’yo thru this film, may mag-emerge na isang Best Actress and Best Actor na nurse, we would love that.”
Pagbabahagi pa niya, magkakaroon ito ng world premiere, dahil marami tayong nurses sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Nabanggit ni Dr. Carl na iimbitahan daw nila ang mga celebrity nurses natin na mag-cameo role, tulad nina Rocco Nacino, Kuh Ledesma, Princess Punzalan, Carol Banawa, at iba pa kung interesado silang maging bahagi ng ‘Siglo ng Kalinga’.
Ang award-winning actress na si Angeli Bayani ang nag-workshop sa mga mapiling bida at bahagi ng casts ng naturang pelikula.
Ipinakilala na nga sa media ang buong cast na kinabibilangan nina Abbey Romero, Denmark Mismanos, Jewell Alano, Lorrich Del Tantoco, Joel Rey Carcasano, Jerico Roque, Dre Canaria, Bambi Rojas, VJ Mendoza, at Tads Obach.
Kasama rin ang Philippine Nursing luminaries na sina Ms. Irma Bustamante bilang Dean Estacia at si Ms. Lydia Palaypay na gaganap naman bilang Anastacia Giron Tupas. Kuwento pa ni Ms. Lydia, personal niyang nakilala si Mrs. Tupas noong kabataan niya at nag-aaral pa.
Ang role ni Anna Formantes ay nakuha Joy Ras, na matagal na ring sumusubok mag-artista and after so many years, ito at nabigyan na siya ng chance na maging bida sa isang pelikula na maipagmamalaki sa buong buhay niya.
Kaya naging emotional siya sa media launch na ginanap sa PNA.
Pahayag pa ng lead actress ng ‘Siglo ng Kalinga’, “Nurses are like actors too, we do our jobs everyday and try not to show much emotions especially when we get affected when someone dies, we feel and remember patients when that happens.
“Our jobs as nurses in a way equate to acting experience.”
Ilang dekada ang itatakbo ng pelikula kaya interesado kami kung paano ito pagtatagni-tagni nga mga writers at direktor ng ‘Siglo ng Kalinga.’
(ROHN ROMULO)
-
Ravena inalok na maglaro sa liga ng Japan – Guiao
Ibinunyag ni NLEX head coach Yeng Guiao na inalok ang kanilang point-guard na si Kiefer Ravena na maglaro ng basketball sa Japan. Sinabi nito na nagkaroon sila ng masinsinang pag-uusap ni Ravena noong Disyembre tungkol sa nasabing alok. Dagdag pa nito na makailang beses na siyang kinausap ni Kiefer tungkol sa offer. […]
-
Bagay na tawaging ‘Good Boy’ dahil ganun sa tunay na buhay: ALDEN, inaming hindi naman perfect dahil nagkakamali rin
MAY bago nang tawag ngayon kay Asia’s Multimedia Star Alden Richards, simula nang mag-taping na siya ng bago nilang serye sa GMA Network, ang Pilipino adaptation ng Korean drama series na “Start-Up.” Noong 2012 na ginawa ni Alden ang “One True Love,” una siyang tinawag na ‘Tisoy’ at kahit hanggang ngayon, ganoon pa […]
-
‘Cease and desist’ vs MRT 7, binawi ni Belmonte
BINAWI na ni QC Mayor Joy Belmonte ang inisyung ‘cease and desist order’ sa ‘above ground construction’ ng Metro Rail Transit (MRT) 7 sa Quezon Memorial Circle station matapos na maplantsa ang mga usapin. Ayon kay Belmonte, sa pulong ng mga opisyal ng QC Local Government Unit (LGU), EEI Corporation, San Miguel Corporation, Department […]