Dream come true para sa senador: Anak nina BONG at LANI na si LOUDETTE, ganap nang doktora
- Published on October 22, 2024
- by @peoplesbalita
ISA na namang bonggang tagumpay ang ipinagdiriwang ng pamilya Revilla ngayon, sa pangunguna ng power couple na sina Senador Ramon Bong Revilla, Jr. at Congresswoman Lani Mercado-Revilla!
Ito ay pagiging ganap nang doktora ng kanilang anak na si Loudette Bautista, sa pagpasa nito sa 2024 Physician Licensure Examination o ang Board Exams para sa mga doktor.
Super-proud at super-saya ang parents ni Dra. Loudette na kahit hatinggabi na lumabas ang resulta, agad itong ibinahagi ni Sen. Bong sa kanyang Facebook Live.
Hindi lang mga magulang ang masaya, kundi pati ang kanilang mga kaibigan at tagasuporta.
Nagtapos ng pre-med si Dra. Loudette sa Ateneo de Manila University at ng medisina sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UERMMMC).
Pinatunayan niyang kaya niyang abutin ang pangarap, hindi lang para sa sarili kundi para sa pamilya at sa mga taong kanyang paglilingkuran bilang doktor.
“Congratulations sa aming Dra. Loudette for passing the 2024 Physician Licensure Board Exams! Certified Doktora ka na, anak!
“You brought pride, joy, and honor to the whole family! Salamat sa pagtupad ng pangarap ni Daddy na magkaroon ng doktor sa pamilya. Thank you God talaga!” ani Revilla sa kanyang post.
Isang malaking karangalan at saya ang dulot ni Dra. Loudette sa pamilya Revilla, lalo na’t siya ang kauna-unahang doktor sa pamilya!
Last year, pumasa sa bar exams ang anak nina Bong at Lani na si Atty. Inah Bautista-Del Rosario, kaya walang pagsidlan ng kasiyahan ang pamilya Revilla dahil, hindi lang abogado kundi mayroon na rin silang doktor!
Kaya sa’yo, Dra. Loudette Bautista—Mabuhay ka! You are now licensed to heal, at marami ang natutuwa at umaasa sa iyong mga susunod na tagumpay! Tiyak na maraming Pinoy ang matutulungan mo!
***
NAPAPANOOD na ang “Balota,” na unang ipinalabas sa Cinemalaya 2024 at kalahok ngayon sa 44th Hawaii International Film Festival.
Pinagbibidahan ng premyadong aktres na si Marian Rivera, ang “Balota” ay rated R-13 (Restricted-13) mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Ibig sabihin, mga edad 13 at pataas lamang ang puwedeng manood nito.
R-16 (Restricted-16) naman ang ibinigay sa lokal na pelikulang “Guilty Pleasure,” starring Lovi Poe na siya ring co-producer at ni-rebyu nina Board Members (BMs) Richard Reynoso, Wilma Galvante, at Fernando Prieto.
Sa R-16, mga edad 16 at pataas lamang ang puwedeng manood.
Ang “The Apprentice,” sa pangunguna ni dating US President Donald Trump bilang isang negosyante, ay nabigyan din ng R-16 tulad ng action-horror film na “Azrael.”
Nabigyan naman ng R-18 ang “Smile 2,” na edad 18 at pataas lamang ang maaaring manood.
Rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) ang Filipino-Japanese film, “Crosspoint,” na pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Takehiro Hira. Rated-PG din ang mga dokyu-pelikulang “Super/Man: The Christopher Reeve Story” at “Taeyong: TY Track.”
Nagpaalala si MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na gabayan lagi ng mga magulang ang mga batang manonood.
“Habang ini-enjoy natin ang panonood sa loob ng sinehan, payo natin sa mga magulang na maging handa lagi na ipaunawa sa mga bata ang mga nangyari sa pelikula at ang posibleng kaibahan nito sa totoong buhay,” sabi ni Sotto-Antonio.
(ROHN ROMULO)
-
Liksi at versatility ng Gilas susubukin
Ang versatility at fighting heart ng Gilas Pilipinas ay sinusuri habang nakikipaglaban ito sa Jordan side na nagdadala ng mas laki, lalim at motibasyon sa Huwebes (Biyernes sa Manila) FIBA World Cup Asian Qualifiers fifth window matchup sa Amman. Ang Nationals ay naglalaro sa limitadong oras ng practice na nilimitahan ng tatlong practice bilang […]
-
Puring-puri sa online world: Full trailer ng ‘Firefly’ nina ALESSANDRA, nakakapanindig-balahibo
‘NAKAKAPANINDIG-BALAHIBO.’ Ganito kung ilarawan ng netizens ang full trailer ng pelikulang ‘Firefly’, ang official entry ng GMA Public Affairs at GMA Pictures sa 2023 MMFF na ipalalabas sa December 25 sa mga sinehan nationwide. Puring-puri sa online world ang trailer dahil sa magandang cinematography at mga nakapupukaw na eksenang talaga namang […]
-
Amanda Villanueva, may lalim ang hugot
HINDI na nakontrol ni indoor volleyball star Amanda Villanueva ang emosyon nang isapubliko ang kanyang malalim na hugot. Sa Twitter account ng paalis sa Philippine SuperLiga (PSL) at pabalik ng Premier Volleyball League (PVL) player, dama na may pinagdadaanan siya na hindi lang sa pinangalanang isang kaibigan. “They are your friend until they […]