Drivers, operators ng mga PUVs papatawan ng multa sa “no vax, no ride” policy
- Published on January 19, 2022
- by @peoplesbalita
Ang mga operators at drivers ng mga public utility vehicles ang siyang papatawan ng multa sa mga mahuhuling nagsasakay ng mga walang bakuna dahil sa “no vax, no ride” polisia ng Department of Transportation (DOTr).
Bibigyan ang mga operators at drivers ng multang hanggang P15,000 at posible pa na makansela ang kanilang prangkisa kapag nahuli silang nagsasakay ng mga walang bakuna na mga pasahero.
Ayon sa DOTr, nagsimula kahapon ang pagbibigay ng mga violation tickets na magsisilbing warning muna sa mga hindi sumusunod sa nasabing polisia.
Dagdag pa ng DOTr na magiging pasensyoso at mapagbigay ang mga traffic enforcers subalit magiging matigas din sila sa pagpapatupad ng “no vax, no ride” na siyang tagubilin ni DOTr Secretary Arthur Tugade.
Sinabi naman ni DOTr assistant secretary Goddess Libiran na as far as concerned ang DOTr, Inter-Agency Council for Traffic(I-ACT), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office, ang pagbibigay ng violation tickets ay kanilang sinimulan kahapon.
Ang mga local government units (LGUs) ay may kanilang operasyon at pagbibigay ng violation tickets na naaayon sa bawat ordinances ng mga LGUs.
“Penalties include a P5,000 fine for the first offense, P10,000 fine and impounding of unit apprehended for 30 days for the second offense and a fine of P15,000 and suspension/cancellation of franchise for the third and subsequent offenses,” saad ni LTFRB executive director Tina Cassion.
Kung nasuspende ang isang driver, ang LTFRB ang siyang magrerekomenda sa LTO na kanselahin ang kanilang driver’s license.
Mayron naman 1,749 na mga pasahero ng rail lines ang nagbakasakaling makasakay kahit na wala silang valid na vaccination card.
Ang I-ACT naman ay nakapagtala ng mahigit sa 100 na pasahero na mga hindi bakunado ang kanilang hindi pinayagan na makasakay sa mga PUVs noong Lunes.
Sa kabilang dako naman, ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) ay binigyan ng instruksyon na huwag muna silang magbigay ng citation tickets sa loob ng buong linggo. Ang kanilang gagawin ay magtatanong muna sila sa mga walang bakuna bago sila pasakahin sa mga PUVs at sasabihan na dapat sila ay magpabakuna muna.
Samantalang sa kauohan, ang “no vax, no ride” na polisia ay mapayapa naman naipatupad sa unang araw subalit mayron pa rin mga ilan-ilang pasahero ang naguluhan sa guidelines ng polisia lalo na yoon wala pang bakuna.
Nakalagay sa DO na ang taong matatawag na fully vaccinated ay yoon dalawang linggo ng nakalipas ng sila ay nababakunahan matapos ang ikalawang bakuna ng kanilang two-dosed vaccination series tulad ng Pfizer o Moderna na bakuna, o di kaya ay pagkatapos ng dalawang linggo matapos silang maturukan ng single-dose ng Johnson & Johnson.
Ang mga exempted naman sa DO ay yoon mga taong may mga medical conditions na pinagbabawalan na bakunahan laban sa COVID-19 subalit kailangan magpakita sila ng duly-signed na medical certificate mula sa kanilang doctor na may nakalagay ng kanilang pangalan at contact details.
Puwede rin lumabas ng kanilang tahanan ang mga walang bakuna kung sila ay bibili ng mga essential goods at services tulad ng pagkain, tubig, gamot, medical devices, public utilities, energy, work at medical at dental na pangangailan subalit dapat may ipakitang barangay health pass o di kaya ay patunay na kailangan nilang maglakbay at umalis ng bahay.
Sa kabilang dako naman, ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang nagsabi na ang “no vax, no ride” na polisia ay nakapagresulta sa malaking pagkawala ng mga income ng mga mangagawa.
“Working people without vaccine cards were again unnecessarily forced to spend more in fare to be able to report for work in time and to avoid salary deductions with tardiness with the reduced number of plying public utility jeepneys and buses units,” wika ni TUCP spokesman Alan Tanjusay. LASACMAR
-
Pulis tinodas ng riding in tandem sa Caloocan
ISANG pulis ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding in tandem na mga suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng mga bala sa katawan ang biktima na kinilalang si PCpl Ruben Tan, 28, nakatalaga sa Sta. Quiteria Police Sub-Station (SS-6) ng Caloocan City Police at residente […]
-
Type na maka-collab sina Zack at Ben & Ben: JERI, dream makatrabaho sina KATHRYN, DANIEL, JAMES at LIZA
MATAPOS ang mahigit isang taon, sa wakas ay ilalabas na ng Star Music ng ABS-CBN ang kauna-unahang handog ni Jeri Violago bilang isang recording artist. Ayon sa premyadong songwriter na si Vehnee Saturno, hindi lang isa ang ginagawa nila, kundi dalawang bagong kanta para kay Jeri. Inilalarawan ni Vehnee ang ‘Gusto Kita’ bilang […]
-
2 babaeng tulak tiklo sa buy bust sa Caloocan, P300K shabu, nasamsam
KALABOSO ang dalawang babae na umano’y tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City. Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Acting District Director […]