Drug-buster cops, ‘viral’ traffic enforcer pinuri ng Navotas
- Published on May 11, 2023
- by @peoplesbalita
KINILALA ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang huwarang pagganap ng mga opisyal ng Navotas City Police at isang enforcer ng City Traffic and Parking Management Office.
Sa pamamagitan ng resolusyon ng Sangguniang Panlungsod, pinuri ng lungsod ang 44 na pulis na lumahok sa raid sa Baguio na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 574.8 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.9 bilyon at pagkakaaresto ng isang drug personality.
Nakatanggap din ang mga opisyal ng P250,000 cash incentive mula sa Navotas Anti-Drug Abuse Council.
Samantala, pinuri at binigyan naman ng P10,000 incentive ng pamahalaang lungsod ang traffic enforcer na si Mark Ferdinand Luzuriaga.
Nag-viral sa social media si Luzuriaga matapos umanong sapakin at sakalin ng isang pulis-Maynila na tumangging magpahuli dahil sa pagmamaneho ng tricycle na walang prangkisa.
Kalaunan, inaresto ang naturang pulis ng mga tauhan ng Navotas City Police sa pangunguna ng hepe nito na si Police Col. Allan Umipig.
Kapwa pinasalamatan ni Mayor John Rey Tiangco ang Navotas police at si Luzuriaga dahil sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa kabila ng panganib na dulot nito.
“Their bravery and faithful performance of their duty are worthy of emulation. They serve as an inspiration to all public servants and a reminder to everyone that no one is above the law,” aniya. (Richard Mesa)
-
Pinay tennis star Alex Eala binigyang pagkilala sa Kamara
KINILALA ng House of Representative si Pinay tennis player Alex Eala matapos na magkampeon sa 2022 US Open juniors division singles title. Ipinasa ng mga mambabatas ang House Resolution 362 na nagbibigay komendasyon sa 17-anyos na si Eala. Siya ang unang Filipino tennis player na nagwagi ng Junior Grand Slam single […]
-
Diverse Lifestyles Shine in Greenfield District’s Celebrity Wellness Weekend
Greenfield Development Corporation, in partnership with Pave Philippines, successfully hosted the Celebrity Wellness Weekend, a two-day event celebrating wellness, entertainment, and community for a meaningful cause. Held at the Food Truck Fest at Greenfield District, the event drew families, food lovers, fitness enthusiasts, and fans, uniting diverse lifestyles in a lively celebration of […]
-
Pagkalipas nang dalawang dekada: BEA, dream come true na makatambal muli si DENNIS
DREAM come true pala ni Kapuso actress Bea Alonzo na makatambal muli ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo. After two decades na una silang nagtambal, si Bea raw ang nag-request na si Dennis sana ang susunod niyang makatambal. Kaya, official announcement na ng GMA Network sa “24 Oras” last […]