• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Drug group member, kasabwat timbog sa P136K shabu at baril sa Valenzuela

DALAWANG tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang high value individual (HVI) na miyembro ng isang drug group ang arestado matapos makuhanan ng baril at mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek bilang sina Romulo Credo Jr, alyas “Onyong”, 47 ng 25 Saint Benedict St., at Ricky Sedayon alyas “Kuya”, 38, miyembro ng “Compendio Drug Group”, ng 83 A James St., kaowa ng Brgy. Veinte Reale.

 

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Destura na dakong alas-3:00 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PCPT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa Saint James Street, Brgy. Veinte Reales matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek.

 

 

 

Kagaad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos magsabwatan na bentahan ng P500 halaga ng umano’y shabu ang isang pulis na nagpanggap bilang poseur-buyer.

 

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 20 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P136,000, buy bust money, P400 seized money, dalawang cellphone, coin purse, sling bag at isang cal. 38 revolver na may dalawang bala na nakuha kay Sedayon.

 

 

 

Pinapurihan ni BGen Peñones ang Valenzuela CPS sa kanilang masigasig na kampanya kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) at karagdagan paglabag sa R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang kakaharapin ng isa sa kanila. (Richard Mesa)

Other News
  • NO 1 MWP NG MPD ARESTADO

    NAARESTO  ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD)  ang isang lalaki na itinuturing na number 1 most wanted person (MWP)  ng MPD- Station 7.     Madaling araw ng Martes nang madakma si Willy Boy Centeno ,  31,  tricycle driver, at residente sa Daang Bakal, Tondo, Maynila sa busa ng warrant of arrest . […]

  • ‘Di rin sila nakalilimot gumawa ng TikTok videos: JULIE ANNE, proud na si RAYVER ang ka-partner sa dalawang serye

    DALAWANG projects ang proud si Julie Anne San Jose na kasama niya si Rayver Cruz.      Ito ay ang YouTube mini-series na “Pag-ibig Na Kaya” at ang “The Cheating Game” ng GMA Pictures.     Kasama na rin siyempre ang pagiging host nila sa GMA singing contest na The Clash Season 5.     […]

  • Backriding sa tricycle, pwede na uli sa valenzuela

    PINAPAYAGAN na ulit ng Local Government ng Valenzuela City ang back-riding o pag-angkas sa mga pampasaherong tricycle sa lungsod.   Ayon kay Mayor Rex Rex Gatchalian, alinsunod sa ordinansa No. 810 Series of 2020, dapat lamang ay may nakakabit na non-permeable transparent barrier, tulad ng plastic cover sa pagitan ng driver at pasaherong nakaangkas.   […]