• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Drug war victims, walang nakikitang katarungan sa ilalim ng administrasyong Marcos – ICC

DUDA ang pamilya ng drug war victims  na magkakaroon ng progreso ang kaso na may kinalaman sa kontrobersiyal na anti-drug campaign ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Dahil dito, nanawagan ang mga ito sa  International Criminal Court (ICC) na ituloy lamang ang imbestigasyon sa nasabing anti-drug campaign ng nakalipas na administrasyon.

 

 

Sa 20-pahinang report na may petsang Mayo 22, sinabi ng ICC na nakatanggap ito ng representasyon na isinatinig ang pananaw at concerns ng 350 individual victims at 165 pamilya kaugnay sa nagpapatuloy na apela sa proceedings.

 

 

Ang consultation process sa mga pamilya, isinagawa ng Victims Participation and Reparations Section,  natuklasan ng mga ito na “unanimously and strongly urge” ang ICC  na ituloy ang Jan. 26 decision  kung saan pinapayagan ang  prosecutor office ng korte na ipagpatloy ang imbestigasyon sa madugong drug campaign.

 

 

Ang alegasyon pa ng mga biktima ay nagpapatuloy di umano  ang war on drugs  sa ilalim ng liderato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Sinabi ng ICC  na “the victims also rejected the grounds of appeal submitted by the government, raising the need for a “genuine investigation” to obtain justice.

 

 

Binigyang diin pa rin ng mga ito na  ipinakita lamang ng ahensiya ng pamahalaan sa PIlipinas ang pagtutol nito laban sa tangkang makuha ang pagkilala na ang drug killings ay hindi  kontrolado ng batas.

 

 

“The lack of a government inquiry into the widespread killings and abuses significantly impacts the rights of victims, and in particular, denying them the opportunity to identify, prosecute, and punish the perpetrators of these grave crimes against humanity,” ayon sa dokumento.

 

 

Hinambalos din ng mga pamilya ang mga awtoridad sa mga nakalipas na pahayag ng mga ito na mga biktima ay  “collateral damage” sa sinasabing police operations.

 

 

Nagpahayag naman ng pag-aalala ang mga pamilya ng  mga biktima para sa kanilang buhay sabay sabing “the police “continue to harass and intimidate victims in their own homes and communities.” (Daris Jose)

Other News
  • Pangandaman ginawaran ng Gawad Kapayapaan Award

    IPINAGKALOOB kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang prestihiyosong Gawad Kapayapaan Award nitong Setyembre 30. Ang naturang pagkilala ay iprinisinta ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU). Kinilala ang kontribusyon ni Secretary Pangandaman sa kapayapaan at pagpapaunlad ng ekonomiya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim […]

  • PDU30, HINDI NAGMAMADALI NA IPAWALANG-BISA ANG VFA

    HINDI nagmamadali si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipawalang-bisa ang Visiting Forces Agreement (VFA)ng Pilipinas sa Estados Unidos.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, maaaring i-postpone ni Pangulong Duterte para sa panibagong anim na buwan ang termination o pagtatapos ng VFA.   “That (VFA termination) has an option of being further extended by another […]

  • Jesus; Matthew 11:28

    Come to me.