• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dry run ng face-to-face classes sa 2021, aprubado na

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsasagawa ng pilot implementation ng face-to-face classes sa ilang piling eskuwelahan sa low-risk areas.

 

Sa Cabinet meeting, noong Disyembre 14, 2020, inaprubahan ng Chief Executive ang presentasyon ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng pilot implementation o dry run ng face-to-face classes sa piling  eskuwelahan sa mga lugar na  low COVID-risk para sa buong buwan ng Enero  2021.

 

Makikipag-ugnayan ang  DepEd sa  COVID-19 National Task Force (NTF) para sa pagmomonitor ng isasagawang pilot implementation.

 

“The pilot shall be done under strict health and safety measures, and where there is commitment for shared responsibility among DepEd, local government units and parents,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Aniya, kailangang  bigyang-diin ng pamahalaan na ang face-to-face classes sa mga eskuwelahan na papayagan ang ganitong sistema ay hindi compulsory kundi  voluntary  sa panig ng mag-aaral at magulang.

 

“Having said  this, a parent’s permit needs to be submitted for the student to participate in face-to-face classes,” diing pahayag ni Sec. Roque.

 

Samantala,  nangangalap na ng report ang Department of Education (DepEd) para makabuo ng balangkas sa posibleng pilot operation ng face-to-face learning, pagsapit na ng taong 2021.

 

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, pinagsusumite na nila ng report at rekomendasyon ang regional directors, para ma-assess ang sitwasyon kung pwede nang maibalik ang personal na pagdalo sa klase ng mga estudyante.

 

Pero tanging sa low risk areas lang umano ito maidaraos.

 

Gayunman, kailangan pa rin aniya ng pahintulot mula sa local government units (LGUs), magulang ng mga bata at kailangan din ng maayos na transportasyon.

 

Una rito, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagpalutang ng posible ang face-to-face classes sa susunod na taon, kung maigagarantiya na ligtas sa banta ng COVID-19 ang mga mag-aaral. (DARIS JOSE)

Other News
  • Pag-revise sa 2022 economic growth targets sa gitna ng expanded Alert Level 3, masyado pang maaga- NEDA

    MASYADO pang maaga para baguhin ng economic managers ang growth targets para sa 2022 sa gitna ng pinalawig na Alert Level 3 sa Kalakhang Maynila at 50 iba pang lugar hanggang katapusan ng Enero.     “With respect to the target for the year, it’s still early days to be revising it whether upwards or […]

  • ROBBIE AMELL PLAYS CHRIS REDFIELD IN “RESIDENT EVIL: WELCOME TO RACCOON CITY”

    RACCOON City’s small-town all-American hero Chris Redfield is played by Robbie Amell (Upload, The Tomorrow People, TV’s The Flash) in the new action horror Resident Evil: Welcome to Raccoon City (in Philippine cinemas Dec. 15).   [Watch the film’s Nightmare Trailer at https://youtu.be/Qu9IgB0yG6k]       In the film, Claire is the stranger who goes back to her childhood […]

  • Game 7 ng PBA Philippine Cup Finals tinunghayan ng 6.9 milyong viewers

    KABUUANG 6.9 milyong viewers ang tumunghay sa ‘winner-take-all’ Game Seven ng San Miguel at TNT Tropang Giga sa 2022 PBA Philippine Cup Finals noong Linggo.     Bukod pa ito sa 15,195 live audience na sumugod sa Smart Araneta Coli­seum para personal na saksihan ang 119-97 pagsibak ng Beermen sa Tropang Giga sa nasabing laro. […]