‘DSLU’ pantapat sa viral course ni Jak: DAVID, aminadong seloso siya pero nasa lugar
- Published on September 1, 2023
- by @peoplesbalita
MABILIS na kumalat iyong JRU (Jak Roberto University) ‘Anti-Silos Class’ ni Jak Roberto, ngayon naman ay may DLSU na si David Licauco na pantapat niya sa “viral course” ng boyfriend ng kanyang ka-love team na si Barbie Forteza.
Nang mag-guest si David sa “Fast Talk with Boy Abunda,” last August 29, doon naman sinabi ni David na ang meaning ng DLSU niya ay “David Licauco Seloso University.”
Inamin ni David na seloso siya sa tunay na buhay, pero nasa lugar.
“Depende sa sitwasyon, kung lalabas naman talaga yung girlfriend mo with her friends, need mong intindihin iyon, kaya lang, minsan may mga guys na iba yung pakay,” paliwanag ni David.
“As a guy, alam ko kung ano yung lalakeng pwede mong pagkatiwalaan. Yes, seloso ako in a way, pero I don’t really say it sa public, hindi naman maganda iyon dahil may sarili din siayng buhay, meron din akong sariling buhay. Kaya sinasarili ko lang, I just keep it to myself.”
As a loveteam lamang sina Barbie at David, pero best friends silang dalawa. Ikinuwento ni David na friends din sila ni Jak at napag-uusapan nila ni Barbie ang boyfriend nito sa set ng “Maging Sino Ka Man,” a special limited series ng GMA-7 na movie noon na pinagtambalan nina Megastar Sharon Cuneta at Robin Padilla.
“Pinag-usapan namin ni Barbie yung anti-silos ni Jak, kung magri-react ba ako o si Jak, pero tinawanan na lamang naming kasi, at the end of the day, entertainers kami. We’re so happy to entertain.
“At sa mga fans naman namin ni Barbie na umaasang magkakatuluyan kami sa tunay na buhay, personally, I think kailangan kong intindihin iyon on a fans perspective kasi humahanga sila sa amin, pero iyong may mga hate, we try our best to understand that kasi meron din silang feelings.”
Ang “Maging Sino Ka Man” ay magkakaroon na ng world premiere on September 11, papalitan nila ang “Voltes V: Legacy” na finale episode na on September 8, 8 p.m. sa GMA-7.
***
BUKOD pala sa pagiging busy ni Eric Quizon sa mga inaalagaan niyang bagong talents ng Net25 under his Star Center, meron pala siyang nilulutong isa pang show para sa said network.
This time, isang sitcom ang gagawin niya kasama si Diamond Star Maricel Soriano.
“I’m gonna work to another show, a sitcom with Maria,” kuwento ni Direk Eric.
Si Maricel ba ang magiging next big star ni Direk Eric?
“Hindi siya makahindi sa akin,” natatawang sagot ni Direk.
“Dapat nga pag-uusapan na namin ang tungkol dito noong isang araw, pero may trabaho siya.”
Ayaw munang magkuwento ni Direk Eric, kahit ang title man lamang ng sitcom na pagsasamahan nila ni Maria. Pero siya ang magdidirek at makakasama nila ang iba pang Quizon brothers,
Soon ay ia-announce na nilang madadagdag si Maricel Soriano sa Net 25. At very soon ay ia-announce na rin nila ang gagawing show ng mga bagong talents ng Star Center, at ang iba pa nilang plano sa naturang TV network.
***
ISA nang ganap na ina si Kapuso actress Kris Bernal matapos niyang isilang ang first baby nila ng husband niyang si Perry Choi.
Ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram post ang isang video na ibinida niya ang kanilang moments kasama ang kanilang little sunshine.
“15 days with our #LittleSunshine @haileelucca! And it has been the most magical days of our lives. After the longest pregnancy and hardest labor, I would do it over so many times to meet my #LittleSunshine. The bond between a mother and child is one of the strongest in existence, I’m so in love!”
Dagdag pa ni Kris sa naramdaman sa kanyang pagbubuntis, “ay isang klase ng pagmamahal na never understood until it happens to you.”
(NORA V. CALDERON)
-
Netizens, hindi na nagtaka at inaasahan na: DIEGO at FRANKI, bigla na lang nag-unfollow sa kani-kanilang Instagram account
NAPANSIN agad ng netizens na nag-unfollow na sa isa’t isa ang rumored couple na sina Diego Loyzaga at Franki Russel sa Instagram. Maaalala na ilang linggo pa lang nang aminin ng Viva actor na nagde-date nga sila ng ex-PBB housemate, pero tila matutuldukan agad ang kanilang namumuong relasyon. SA IG Stories naman […]
-
Pilipinas, nanguna sa Top 10 highest disaster risk countries batay sa World Risk Report 2022
NANGUNA ang Pilipinas sa may pinakamataas na disaster risk sa buong mundo ngayong 2022. Batay ito sa naging assessment WorldRiskIndex 2022 hinggil sa disaster risk ng nasa 193 na mga bansa na sumasaklaw sa mga bansang kinikilala naman ng United Nations at mahigit 99 percent ng populasyon sa buong mundo. Sa […]
-
Oil slick di na aabot sa NCR ayon sa PCG
INAASAHANG hindi na aabot sa National Capital Region (NCR) ang oil slick mula sa lumubog na Motor Tanker (MT) Terra Nova sa baybayin ng Limay,Bataan , sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) base sa trajectory na naobserbahan sa isinagawang survellaince mission. “Na-observe nila (surveillance team) from north-northeast, ‘yung unang area ng surveillance natin, ngayon ay […]