• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DSWD-4A ‘di nagkulang sa ayuda sa Noveleta – Tulfo

WALANG pagkukulang ang mga opisyal at tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 4A sa Noveleta, Cavite noong nakaraang linggo, ayon sa resulta ng imbestigasyon na isinagawa ng DSWD Central Office kamakailan.

 

 

Kasabay nito, pinababalik na sa puwesto ni Sec. Erwin Tulfo sina DSWD Region 4A Director Barry Chua at Assistant Director Mylah Guitterez ngayong araw matapos ilipat sa central office noong Huwebes dahil sa reklamo ni Noveleta Mayor Dino Chua na “pinahirapan ng DSWD ang mga biktima na makakuha ng ayuda”.

 

 

Ayon kay Sec. Tulfo, “wala nang kwestiyun sa pagbibigay ng food packs sa 500 katao na pumila doon noong araw na ‘yun dahil lahat naman po ay nabigyan ng pagkain”.

 

 

“Ang nirereklamo ni Mayor Chua ay tila pinahirapan daw ng DSWD personnel ang mga bibigyan ng cash assistance on that day dahil kung anu-anong dokumento raw ang hinihingi ng mga tauhan namin”, ayon kay Sec. Tulfo.

 

 

“Pero ang policy na namin ngayon ay kapag may kalamidad, kung walang ID, dapat nasa listahan ng LGU (local government unit) ‘yung beneficiary o na-endorsed ng barangay sa amin”,  paliwanag ni Tulfo.

 

 

Ayon sa kalihim, sinunod naman ng mga tauhan nila ang procedure na ito.

 

 

Ang problema aniya doon sa 500 na dala ng LGU, 200 lang ang nasa listahan nila habang ang 300 ay hindi naman kilala ng mga barangay officials na naroon sa payout site.

 

 

“Kailangan po na may ma-i-present naman kami sa Commission on Audit (COA) kahit papaano kapag kami ay natanong kung saan o kanino namin ibinibigay ‘yung mga cash ayuda po namin”, ani Tulfo.

 

 

Hulyo nitong taon nang alisin ni Tulfo ang mga indigency at residency certificate, barangay ID at kung anu-ano pang dokumento para makahingi ng ayuda sa DSWD sa oras ng kalamidad.

 

 

“I’m sure, Mayor Chua knows that and he understands all these COA rules. Napaliwanagan na po namin si Mayor noong pang Biyernes at okay na po ang lahat ng panig,” pahabol ni Tulfo. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • SHARON, sinagot ang tanong ng netizen: ‘wedding ring’ nila ni GABBY matagal nang binigay kay KC

    ILANG araw after na makapag-vaccinate si Megastar Sharon Cuneta, masaya naman niyang pinost ang pagmo-mall nila na aminadong na-miss niya.     Say ni Sharon, “I missed and still miss this mall near my former home here. Happy to be here again though! First time at a mall since March 2020!!!”     Kasunod nito […]

  • Dream come true na mapasama sa docu-series ng ’24 Oras’: TV heartthrob na si ANJO, puwede nang sumunod sa yapak ni ATOM

    DREAM come true para kay sa GMA weatheman-turned-TV heartthrob na si Anjo Pertierra nang maging parte siya ng documentary series para sa 24 Oras.     Puwede na ngang sumunod si Anjo sa yapak ni Atom Araullo na isang award-winning documentaries na pang heartthob din ang image.   Mahilig daw talaga ang ‘Unang Hirit’ host […]

  • Huling post nang hamunin si Sen. Bato Dela Rosa: GRETCHEN, baka may pinagdaraanan kaya nag-deactivate ng IG account

    KUNG hindi kami nagkakamali, ang huling Instagram post ni Gretchen Barreto ay nang hamunin nito si Senator Bato dela Rosa.     Hinamon ni Gretchen si Bato na sabihin lang daw nito kung saan at kailan at dadalhin niya ang ebidensiya na ito ay totoo namang tumataya sa online o e-sabong.     ‘Yun nga […]