• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DSWD, bigong maipamahagi ang P1.9-B SAP subsidy – COA report

AABOT umano sa 1.9 billion ang halaga ng Social Amelioration Program (SAP) subsidy ang bigong maipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga benepisaryo ng naturang ayuda base sa latest report mula sa Commission on Audit (COA).

 

 

Sa 2021 annual audit report ng COA sa DSWD, nakasaad na ang iginawad na Cash Advances (CAs) sa Special Disbursing Officers (SDOs)/Accountable Officers (AOs) ng DSWD Field Office sa National Capital Region at Region 6 o Western Visayas para sa implementasyon ng SAP na nagkakahalaga ng P1,908,536,000 ang hindi umano naipamahagi sa mga benepisaryo na napagkaitan ng kinakailangang financial assistance sa kasagsagan ng pandemya.

 

 

Lumalabas sa records ng COA na nasa kabuuang P1.753 billion cash assistance o ayuda ang bigong maipamahagi ng DSWD field office sa NCR habang nasa P155.094 million cash aid naman sa field office Region 6.

 

 

Ang cash subsidy sa ilalim ng SAP – Emergency Subsidy Program (ESP) ay inilaan para sa Bayanihan to Heal as One Act or “Bayanihan 1″ kung kaya’t ang hindi naipamahaging halaga ay ibinalik sa Bureau of Treasury (BTr) nang magpaso ang batas noon pang 2020.

 

 

Ayon sa COA, ang halaga ng cash advances na ni-refund ng Special Disbursing Officers at Accountable Officers mula sa field office sa NCR ay mas mataas pa kumpara sa naibigay na cash aid sa SAP beneficiaries.

 

 

Sa report ng COA, nakasaad na ang refunds ay nag-ugat sa mahina raw na pagpaplano at monitoring sa parte ng mga nag-iimplementa ng naturang programa dahil nasa 15% hanggang 30% lamang ang payment turnout kumpara sa refunds mula sa kabuuang iginawad na cash advances.

 

 

Naobserbahan din na ang schedules ng payouts ay hindi natukoy bago balangkasin ang cash advances para sa SAP.

 

 

Maliban sa pagsasagawa ng deduplication process ng DSWD sa SAP beneficiaries, ang iba pang dahilan na nakita batay sa NCR field office sa kabiguang maipamahagi ang SAP aid ay ang isyu sa pakikipag-coordinate sa LGUs lalo na pagdating sa pagsisimula ng pagrolyo ng payout ng SAP beneficiaries dahil sa restriksyon bunsod ng COVID-19 pandemic.

 

 

Paliwanag pa ng FO NCR na mayroon ding sariling programa ang LGUs na urgent gaya ng SAP.

 

 

Samantala, nagpaliwanag din ang DSWD field office sa Western Visayas sa mababang distribution rate.

 

 

Ito ay dahil umano sa kawalan ng accurate na listahan ng mga benepisaryo bunsod ng kawalan ng kapasidad ng DSWD na mag-install ng karampatang monitoring at control mechanism sa pagbibigay ng SAP aid sa pamamagitan ng service provider.

 

 

Nagresulta ito sa incoherence ng undistributed grant na hindi naipamahagi ng mga program implementers.

 

 

Kung kaya’t malaking halaga ang hindi nagamit sa pondo ng gobyerno ang ni-refund na lamang matapos ang 2 hanggang 6 na buwan na nagamit pa sana bilang ayuda sa mga mahihirap sa gitna ng pandemiya.

 

 

Kaugnay nito, inirekomenda ng COA sa DSWD na atasan ng ahensiya ang kanilang regional directors at program implementers na planuhing maigi ang paggawad ng cash advances sa mga Special Disbursing Officers at Accountable Officers para ganap na matugunan ang mga pangangailangan sa naturang programa.

 

 

Samantala, nasa kabuuang P2.552 billion sa cash advances na ipinamahagi ng DSWD sa mga SDOs at AOs kaugnay ng pamamahagi sa SAP ang nananatuiling uinliquidated.

 

 

Inirekomenda ng COA sa DSWD na i-demand ang lahat ng SDOs at AOs na magsumite ng kaukulang liquidation documents at agarang i-refund ang lahat ng unexpected balance kaugnay ng SAP implementation. (Daris Jose)

Other News
  • Mga botante, hinikayat na na i-report ang mga kaso ng electoral fraud

    UMAPELA si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa mga botante na ireport sa tamang awtoridad ang anumang vote buying o vote selling activities sa kanilang komunidad.     “Kung may nakita tayo na kakaiba, ireport kaagad natin. Wag kayong mangimi sa pagrereport ng election irregularity at para maaksyunan natin […]

  • Mga makakalaban unti-unti nang nag-aatrasan: VILMA, maugong pa rin na tatakbong muli bilang gobernador ng Batangas

    NAKIPAG-MEETING na si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto sa producer ng Mentorque na si Mr. Bryan Dy kasama sina Direk Antoinette Jadaone at Direk Dan Villegas.       Sa nakarating sa amin isa itong magandang project na first time na gagampanan ni Ate Vi ang isang kakaibang papel.       Gustong-gusto ni […]

  • Libreng happy meal pinamigay sa mga batang Navobakunado

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng libreng Happy Meals sa mga kabataang Navoteño na 5 hanggang 11 taong gulang na nabakunahan na kontra sa COVID-19.     Ayon kay Mayor Toby Tiangco, araw-araw ang kanilang ginagawang pamimigay libreng pagkain na ito sa mga bakunadong kabataan upang maging masaya ang mga ito at hindi matakot […]