• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DSWD, nagbigay ng P70 milyong halaga ng humanitarian aid sa Mindanao flood victims

NAGBIGAY ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P70 milyong halaga ng humanitarian aid sa mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha at landslides sa Mindanao.

 

 

Base sa pinakabagong ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC), sinabi ng DSWD na 312,346 pamilya o 1,078,531 katao ang naapektuhan sa 652 barangay sa Regions XI, XII, at Caraga.

 

 

Nito lamang Lunes, nagbigay ang departamento sa mga apektadong pamilya ng P70,313,588 halaga ng food at non-food items, gaya ng sleeping kits at modular tents.

 

 

Sinabi ng DSWD na P3,333,069,216.11 ng relief resources ang nananatiling available.

 

 

Sa kabilang dako, nakapagtala naman ang DSWD ng 474 totally damaged at 658 partially damaged na kabahayan sa mga apektadong rehiyon.

 

 

Sinabi naman ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez na ang departmento at local government units ay nakikipag-ugnayan para tulungan ang mga biktima.

 

 

“We are coordinating to better house them, especially maraming submerged areas pa tayo including our traditional evacuation sites. But we will facilitate to better improve their conditions,” ayon pa rin kay Lopez.

 

 

“As to our assets, we are working round the clock to provide assistance. As soon as we have the information, we can easily provide needed assistance,” dagdag na wika nito.

 

 

Sinasabing may 14,926 pamilya o 53,858 indibdwal ang kasalukuyang nanunuluyan sa 231 evacuation centers sa Regions XI at Caraga.

 

 

Samantala, may 81,811 pamilya o 300,579 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa mga kamag-anak o kaibigan, habang may 96,737 pamilya o 354,437 indibidwal ang na-displaced sa Regions XI at Caraga.

 

 

Sa Region XI, sinabi ng DSWD na umabot na sa 18 katao ang death toll mula sa pagbaha at landslides habang 11 naman ang sugatan at tatlong indibidwal naman ang nawawala, “as of Tuesday.”

 

 

Ang mga munisipalidad ng Compostela, Monkayo, at New Bataan sa Davao de Oro at mga munisipalidad ng Bunawan at Rosario sa Agusan del Sur ang unang naiulat na naapektuhan ng tuloy-tuloy na low-pressure area noong Enero 29, 2024, ang tuloy-tuloy na LPA ang may bitbit na malakas na pag-ulan at pagbaha sa mga kalapit-lugar gaya ng lalawigan ng North Cotabato.

 

 

Ang “light to heavy rains” ay nagpatuloy hanggang Pebrero 2, dahilan ng karagdagang pagbaha at landslides sa Mindanao. Nawala lang ang LPA noong Pebrero 3. (Daris Jose)

Other News
  • 23,000 pulis ikakalat sa pagbubukas ng klase sa Lunes

    AABOT sa 23,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP)  ang kanilang ikakalat sa buong bansa para sa pagbibigay seguridad sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto  22.     Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, karamihan sa mga  pulis ay itatalaga  bilang police assistance desk malapit sa mga school campus sa iba’t ibang panig […]

  • Magsayo-Russell rematch ok kay Roach

    PABOR si American trainer Freddie Roach na muling makaharap ni reigning World Boxing Council (WBC) featherweight champion Mark Magsayo si Gary Russell Jr. sa isang rematch.     Ito ay sa kabila ng atas ng WBC na depensahan ni Magsayo ang titulo nito laban kay Mexican undefeated fighter Rey Vargas.     Wala pa namang […]

  • Ads July 24, 2021