• May 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DSWD, nagpasaklolo sa LGUs para sa potensiyal na livelihood program beneficiaries

HUMINGI na  ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa local government units (LGUs) para sa assessment ng mga benepisaryo ng  Sustainable Livelihood Program (SLP).
Dumagsa kasi ang mga tao sa DSWD field office sa Maynila, araw ng Biyernes, Enero 13 sa Pag-asa na makakakuha ng cash aid.
“The LGUs will now have to consolidate the list of potential program beneficiaries from their respective jurisdictions, which will be endorsed to concerned DSWD Field Offices,” ayon sa kalatas ng DSWD.
Ang isang  indibidwal na nais na mag-avail ng livelihood assistance ay maaaring direktang magsumite ng kanilang  application documents sa LGU.
Ang inisyatiba na makatrabaho ang  LGUs ay ginawa upang bitbitin ang livelihood program malapit sa mga  constituents ng bawat lokalidad at maiwasan ang insidente na nangyari sa DSWD-National Capital Region office, kahapon Enero 13, kung saan  2,000 indibidwal ang nakapila sa pag-asang mababayaran.
Gayunman, binigyang diin nito na nire-require ng programa ang mga benepisaryo nito na dumaan sa serye ng “orientation at skills training” bilang bahagi ng  selection process ng programa.
Samantala, nilinaw ng DSWD na ang nangyaring insidente sa kanilang field office ay dahil lamang sa  proliferation ng “fake news” na kumalat sa SMS at pekeng  Facebook accounts.
Pinaalalahanan naman ng DSWD ang publiko na maging  “more critical in the information they get from unverified sources.”
Idagdag pa rito, pinayuhan ng  DSWD ang publiko na komunsulta, magtanong at ipadala ang kanilang concerns sa  official Facebook page ng ahensiya. (Daris Jose)
Other News
  • Pope Francis binati ang mga mananampalataya sa Angelus prayer habang nasa ospital

    Binati ni Pope Francis ang mga mananampalataya habang ito ay nasa pagamutan.     Isinagawa nito ang lingguhan Angelus prayer sa balkunahe mismo ng Gemelli University Hospital sa Roma kung saan siya naka-confine at nagpapagaling.     Sinabi nito na labis siyang nasisiyahan dahil sa naipagpatuloy ang pagsisilbi sa Maykapal.     Napagtanto niya habang […]

  • PBBM, nagpaabot ng pagbati kay PDU30 na nagdiwang ng kanyang ika-78 kaarawan

    NAGPAABOT nang pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagdiwang ng kanyang ika-78 kaarawan, Marso 28,2023.     Sa kanyang official Facebook page, sinabi ni Pangulong Marcos na “What a pleasure for me to wish happy birthday to ating predecessor, PRRD. Happy birthday to you, Mr President.”     […]

  • Rookie NBA card ni Bryant naibenta sa halos $2-M

    Naibenta sa halagang $1.79-M o mahaigit P86-M sa isang auction ang basketball card ni NBA star Kobe Bryant.     Ang flawless Kobe Bryant rookie card ay ikinokonsidera bilang “one of the rarest in existence”.     Ayon sa Goldin Auctions, nabili ito ng hindi na nagpakilalang buyer.     Ang Topps trading card ay […]