DSWD, planong parusahan ang nagpapautang na tumatanggap ng 4Ps ATM card bilang kolateral
- Published on February 6, 2024
- by @peoplesbalita
PLANONG Department of Social Welfare and Development (DSWD) na parusahan ang mga nagpapautang para mapigilan ang mga ito na tanggapin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) cash cards bilang kolateral o pang-garantiya mula sa mga mangungutang.
Ipinanukala ng 4Ps National Program Management Office (NPMO) ng DSWD na amiyendahan ang Republic Act No. 11310, o mas kilala bilang 4Ps Law, na magpaparusa sa mga nagpapautang dahil sa pagtanggap ng mga ito ng cash cards bilang sangla.
Sa ngayon, ang parusa para sa nagpe-prenda ng kanilang cash cards sa mga nagpapautang ay ang pag-alis sa kanila bilang benepisaryo ng programa ng 4Ps.
Hinikayat naman ni Director Gemma Gabuya, National Program Manager ng 4Ps, ang mga benepisaryo na iwasan na makipagkasundo sa mga nagpapautang at iprenda ang kanilang cash cards.
“Nag-iispot check kami during the family development sessions na dapat dala nila ang ATM, dahil bawal ‘yun [pagsasanla ng 4Ps cash card]. They can be delisted from the program,” ayon kay Gabuya.
Pinayuhan din nito ang mga 4Ps beneficiaries na maging modelong mamamayan na sumusunod sa alituntunin ng programa dahil maaaring silang mawala sa listahan dahilan sa kanilang “misbehavior” matapos ang tatlong babala kung matutuklasan na ginagamit nilang kolaterala ng kanilang cash cards sa mga nagpapautang.
“You have to take care of the resources of the government. Ikaw dapat ang nag-momodel kung ano ang mukha ng programa,” ayon kay Gabuya.
Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang ng pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng ating mga kababayan.
Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal para sa pinakamahihirap na Pilipino upang pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong gulang.
Kailangang matupad ng mga pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan upang maibigay sa kanila ang tulong-pinansiyal.
Halaw ito sa programang Conditional Cash Transfer (CCT) ng mga bansa sa Latin Amerika at Aprika, na naialpas sa kahirapan ang milyon-milyong tao sa buong mundo.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang punong ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa 4Ps. (Daris Jose)
-
Alvarez napanatili ang kanyang belt matapos talunin si Berlanga
NAPANATILI ni Mexican boxer Saul ‘Canelo’ Alvarez ang kaniyang unified super middleweight world title. Ito ay matapos makuha ang unanimous decision sa paghaharap niya kay Edgar Berlanga sa Las Vegas, Nevada. Pinabagsak ni Alvarez si Berlanga sa ikatlong round at mula noon ay pinaulanan niya ito ng mga suntok. […]
-
Sa mahusay na pagganap sa ‘Triangle of Sadness’: DOLLY, patuloy ang pamamayagpag dahil sa sunud-sunod na nomination
MARAMI ang natuwa sa cute na baby girl nila Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na si Dylan Jayde na unang lumabas ang photo noong November 2022. Naulit ito noong Christmas at sa beach getaway nila noong Bagong Taon. Nagkaroon tuloy ng debate sa social media kung sino nga ba kina Dennis at Jennylyn ang mas […]
-
PUGANTENG KOREANO, INARESTO NG NBI
INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Tagiug City ang isang puganteng Koreano na wanted sa kanilang bansa. Ayon sa NBI-International Operations Division, kinilala ang pugante na si Kim Girok na wanted sa human Trafficking actvities. Hiniling ng prosecutor ng Korean ang tulong ng NBI upang ito ay maaresto at […]