• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DSWD tatapusin ang bigayan ng ayuda sa mga rice retailers sa Sept. 14

NAIS ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na agad na matapos ang pamamahagi ng cash grants para sa mga  rice retailers.

 

 

Sa isang press briefing sa Malakanyang, sinabi ni  Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na layon ng gobyerno na tapusin ang distribusyon ng P15,000 cash grants sa mga rice retailers sa Setyembre  14, araw ng Huwebes.

 

 

Nauna rito, nagpulong sina Gatchalian at Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual para pag-usapan ang implementasyon ng  Executive Order No. 39, nagtakda ng price ceiling sa bigas para masawata ang tumataas na presyo ng nasabing kalakal.

 

 

“So kaya nga sabi niya sa amin when we met, tapusin na kaagad ‘yang distribution ng livelihood grants to shore up their capital,” ayon kay Gatchalian.

 

 

“Natuwa nga siya na may self-imposed deadline whether by law or by [our] selves, na September 14 dapat tapos na kami. Pero I’m telling you right now that maybe a steep of the task kasi may return date kami,” dagdag na pahayag nito.

 

 

At sa tanong kung mayroong second tranche para sa mga nakatanggap na ng  livelihood grants, sinabi ni Gatchalian na hindi nage-entertain ang gobyerno ng matagal na pagpapatupad ng EO 39 lalo pa’t sinabi ng Pangulo na pansamantala lamang ang price cap sa bigas.

 

 

“At this point in time, diba before the President left for the ASEAN, in his departure address he said the price cap isn’t meant to last long. That’s why we’re sticking to that. By me engaging that question, that means we’re already entertaining a prolonged period of EO 39, which is not the directive or direction of the President,” ani Gatchalian.

 

 

Winika pa ni Gatchalian  na mayroong  5,942 micro and small rice retailers  sa listahan na mayroong permits at registrations sa pampubliko at pribadong pamilihan.

 

 

Samantala, tumutulong naman ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipaalam sa mga benepisaryo ng  cash grants, na idadaan sa  pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP). (Daris Jose)

Other News
  • CELEBRATE THE 25th ANNIVERSARY OF “FINAL DESTINATION” BY WATCHING A LIVESTREAM OF THE 25 MOST ICONIC DEATHS FROM THE FRANCHISE

    WELCOME to the Deathstream. This month, March 2025, marks the 25th anniversary of the “Final Destination” horror movie franchise. The first “Final Destination” movie, starring Devon Sawa and Ali Larter, was released on March 17, 2000 – and started a cult following among horror movie enthusiasts that is still very much alive in 2025. In […]

  • Ads January 9, 2024

  • JOHN LLOYD, nag-trending dahil inabangan ang first tv appearance; ganun na lang ang pasasalamat kay WILLIE

    INABANGAN at nag-trending nga sa Twitter Philippines ang first appearance ni John Lloyd Cruz sa Shopee 6.6 tv special last Sunday, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum at napanood sa GMA-7.     Si Willie Revillame ang host/producer ng show at dahilan sa pagbabalik ni John Lloyd sa Kapuso Network.     Binigyan ni Willie […]