DSWD, tiniyak ang tulong sa mga taong apektado ng pagbaha sa Bicol, VisMin
- Published on December 29, 2022
- by @peoplesbalita
NANANATILING “in close contact” ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa.mga biktima ng malawakang pagbaha dahilan ng “shear line at northeast monsoon” sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon sa impormasyon na ipinalabas ng Social Marketing Service (SMS) ng DSWD, patuloy na nagbibigay ang ahensiya ng kinakailangang tulong sa pamilya at indibiduwal na apektado ng pagbaha sa Eastern Visayas (Region VIII), Zamboanga Peninsula (Region IX) at Caraga Region.
Sa emergency meeting, araw ng Martes, ang lahat ng DSWD field offices ay nagbahagi ng updates ukol sa kanilang disaster response operations, kabilang na ang probisyon ukol sa family food packs at non-food items, at maging ang katayuan ng prepositioning relief goods sa iba’ibang lokalidad.
“As of Dec. 26,” mahigit sa P3.2 milyong halaga ng humanitarian assistance ang ibinigay ng DSWD sa Regions VIII, IX, at Caraga.
Iniulat naman ng DSWD offices sa tatlong rehiyon na mahigit sa 34,751 pamilya o 133,443 katao ang apektado ng weather disturbance.
Sa nasabing bilang, 12,154 pamilya o 51,386 katao ang kasalukuyang nasa temporary shelter sa 142 evacuation centers na itinayo ng local government units sa mga apektadong lugar.
May kabuuang 133 bahay sa tatlong rehiyon ang napinsala.
Sinabi naman ni Field Office V Regional Director Norman Laurio na mahigit sa 17,100 pamilya o 69,042 indibiduwal ang apektado ng flooding incident sa Bicol Region.
Tiniyak naman ng mga regional directors na ang kanilang mga disaster teams ay maayos na nag-deploy sa mga apektadong lokalidad para tumulong local government units sa pagsasagawa ng relief operations para sa kanilang apektadong constituents.
Sa kabilang dako, mahigit sa P1.6 milyong halaga ng tulong ang ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang apektado ng flash floods sa Bicol region.
Samantala, umapela naman ang DSWD na manatiling bigilante at sundin ang kautusan ng lokal na opisyal para matiyak ang kanilang kaligtasan.
-
Nagpasalamat sa mga patuloy na nagdarasal: KRIS, nag-post ng Christmas message at nag-update sa health niya
KINATUWA tiyak ng mga nagmamahal kay Kris Aquino ang muling pagbabalik ni Kris sa social media. Tiyempo pa namang Pasko nang mag-post muli si Kris sa kanyang IG account, isang buwan mula noong huli siyang naging aktibo sa kanyang IG account. Update na may kinalaman sa post niya a month ago […]
-
UMID ID ng SSS, papalitan ng ATM Pay Card
PAPALITAN na ang regular UMID card na ginagamit ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) matapos makipagkasundo ang ahensya sa mga bangko para sa pagpapalabas ng bagong UMID ATM Pay Cards. Kapag mayroon nang UMID ATM Pay Cards, ang SSS members ay mas mabilis nang makakakuha sa kanilang account ng kanilang benepisyo, […]
-
ANGEL, labis ang pasasalamat sa ginawang tribute ng FDCP bilang isa sa ‘Cinemadvocates’; tatanggap din ng IVR Award sa ‘4th EDDYS’
NAGPASALAMAT si Angel Locsin sa ginawang tribute ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na kung saan isa siya sa ginawaran ng 2021 Cinemadvocates sa katatapos lang na 5th Film Ambassadors’ Night. Post ni Angel, “Thank you @fdcpofficial for this heartwarming tribute. “Masuwerte lang ako na meron akong @neil_arce na hindi ako pinapabayaan at laging nasa […]