• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DSWD, tiniyak na walang magiging problema sa pamamahagi ng ayuda sa mga apektado ni ‘Florita’

TINIYAK  ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na walang magiging problema sa kanilang pamamahagi ng tulong para sa mga kababayan nating naapektuhan ng bagyong Florita.

 

 

Sa ulat ni DSWD Spokesperson Asec. Romel Lopez, sa kasalukuyan kasi ay nasa Php 760 million pa ang halaga ng quick response fund ng kagawaran mula sa kanilang central office habang nasa Php 30 million pa naman ang quick response fund na available sa kanilang mga regional offices.

 

 

Ayon pa kay Lopez, sa ngayon ay nasa Php7.2 million na ang halaga ng tulong na kanilang naipapamahagi sa mga kababayan nating naapektuhan ng kalamidad.

 

 

Php 4.8 million dito ay mula mismo sa DSWD, habang Php 2.1 million naman ang galing sa mga local government unit, at nasa 30,000 pesos naman ang tulong na nagmula sa mga non government organization at iba pang partners ng kagawaran.

 

 

Samantala, bukod sa mga family food packs ay sinabi rin ng tagapagsalita na namimigay din sila ng tulong pinansyal at psyco-social intervention o counselling sa mga Pilipinong apektado ng pananalasa ni “Florita”.

 

 

Sa ngayon ay nasa 29,447 na mga pamilya o 113,000 na mga indibidwal na naapektuhan ng nasabing bagyo mula 558 na mga barangay sa region 1, 2, 3, calabarzon, NCR, at CAR ang binabantayan ng DSWD.

 

 

Nasa 1,400 na mga indibidwal na lamang nananatili sa 19 na temporary shelter ng kagawaran habang nasa 123,000 na lamang ang kasalukuyang nakikitira sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

Other News
  • Maraming nagulat sa kanyang inirampa: Natcos ni MICHELLE sa Miss U, tribute sa Philippine tourism at pagiging Air Force reservist

    “DESTINATION Filipinas” and “Love the Philippines” ang inspiration sa likod ng national costume ni Michelle Marquez Dee. Made in Nueva Vizcaya ang natcos ni Michelle na gawa ng designer na si Michael Barassi. According to Barassi, the costume, which resembles a plane, is a tribute to Philippine tourism and Dee being an Air Force reservist. […]

  • PBBM, ipinag-utos ang mapayapang resolusyon ng maritime dispute – NMC

      NANANATILI ang posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isulong ang mapayapang resolusyon sa pinagtatalunang katubigan, kabilang na ang West Philippine Sea (WPS), sa kabila ng pinakabagong agresyon ng Escoda Shoal.   “As directed by the President, the Philippines will fully utilize and continue to pursue diplomatic channels and mechanisms under the rules-based […]

  • Aminadong tagahanga siya ng SB19: JENNYLYN, sobrang kinilig nang si STELL ang lumabas sa Tiktok filter

    ITO palang si Jennylyn Mercado ay tagahanga ng SB19, partikular ni Stell!     At dahil nga matindi ang kasikatan ni Coach Stell at ng Kapuso show na ‘The Voice Generations’, may nauuso ngayon na The Voice Generations Tiktok filter kung saan may randomizer at tila isa ka ring contestant sa TVG.     App […]