• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DSWD, tutulungan ang mga pamilyang maiiwan ng mga POGO deportees

NAG-ALOK ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilya ng mga dayuhan na nakatakdang I-deport dahil sa kanilang pagkakasangkot sa illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

 

 

 

Sa 24 Oras special report ni Sandra Aguinaldo, araw ng Miyerkules, ang mga magulang ng mga batang ito ay naglaan ng kanilang oras at panahon na tila ay kanilang huling mga araw na magkakasama habang hinihintay ang desisyon kaugnay sa kanilang deportasyon.

 

Kabilang na rito ang 21-year old na si “Jamaica”, na mayroong limang buwan gulang na anak sa Chinese national na nakatakdang ideport.

 

“Sana bigyan nila ng chance po na makalaya po yung partner ko. Sana tulungan po nila kami, yung may mga anak po dito sa Pilipinas… kasi yung pamilya ko hindi ko rin po maasahan kasi madami din po kami magkakapatid. Hindi rin po nila ako matulungan, hirap din po kami,” ang sinabi ni Jamaica.

 

Sinabi naman ng kanyang partner na hindi pa siya nakikipag-ayos ukol sa posisbilidad na pananatili sa bansa.

 

“He wants to stay… because he’s very fond of his baby… If he was deported, he cannot care for his family,”ang sinabi ng Chinese national sa pamamagitan ng isang translator.

 

Sa kabilang dako, nakipag-ugnayan na si DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) hinggil sa detalye para sa custody turnovers at livelihood assistance para sa mga pamilya na maiiwan sa bansa.

 

“Meron tayong haven for women and children. Pwedeng diyan muna natin dalhin yung mga nanay at kanilang mga anak. Ikakapacitate natin sila, iimprove natin kanilang skills, livelihood opportunities para sila ay makapagsimula on their own,” ang sinabi ni Dumlao.

 

Kamakailan, sinabi ng PAOCC na sinusuportahan nito ang 15 mga kabataan na ang edad ay zero hanggang tatlong taon, matapos na deport ang kanilang ama. (Daris Jose)

Other News
  • Ads October 24, 2022

  • Pilipinas at China, walang tensyon sa WPS

    SA KABILA ng incursions at mga protesta, iginiit ng Malakanyang na walang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa usapin ng West Philippines Sea.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang tensyon ay nasa isip lang ng mga kritiko ng administrasyon partikular na ng oposisyon.   “Wala akong nakikitang tension. Ang tension […]

  • PBBM, tinitingnan ang mas malakas na ugnayan sa agrikultura sa Chile, malapit na kolaborasyon sa WHO

    TINITINGNAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas malakas na agricultural cooperation kasama ang Chile at mas malapit na pagtutulungan sa World Health Organization (WHO) pagdating sa post-pandemic era.     Ito’y matapos na magkaroon ng hiwalay na pakikipagpulong sina Chilean Foreign Minister Alberto van Klaveren at WHO Regional Director for the Western Pacific […]