• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DTI at mga attached agencies nito, nangakong mamadaliin ang pautang para sa mga small businesses

KAPWA nangako sina Labor Sec Silvestre Bello III ang Department of Trade & Industry at attached agency nitong small business corporation na ipa- fast track nila o pabibilisin ang pagproseso sa mga soft loans o pautang para sa mga micro and small business enterprises.

 

Ito ay bilang pambayad ng 13th month pay ng mga employers sa kanilang mga manggagawa ngayong Disyembre kahit pa isa ang kanilang negosyo sa matinding naapektuhan ng Covid 19 pandemic.

 

Sinabi ni Sec. Bello na bago mag Disyembre ay naipagkaloob na ang mga pautang nang sa ganon ay bago mag Dec. 24 ay maipamahagi na ito ng mga employers sa kanilang mga manggagawa alinsunod na rin sa itinatakda ng batas.

 

Nauna nang sinabi ng Kalihim na may nakalaan ng P4 bilyong pisong pondo ang DTI at small business corporation bilang soft loans o pautang sa mga micro and small business enterprises.

 

Aniya, handa rin ang Rural Bankers Association of the Philippines na magpautang sa mga maliliit na negosyo yan ay kung hindi mabibigyang subsidiya ng pamahalaan ang pondo para sa pagkakaloob ng 13th month pay ng mga manggagawa na nagttrabaho sa micro at small business enterprises.

Other News
  • Ads April 27, 2023

  • P709-M halaga ng assistance inilaan sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng bagyo

    NAGLAAN  ang Department of Agriculture (DA) ng mahigit P709 milyong halaga ng tulong at interbensyon para sa mga magsasaka na naapektuhan ng pananalasa ng supertyphoon Karding.     Sa ngayon, nasa P2.95 bilyon na ang pinsala sa agrikultura na dulot ni “Karding” basi sa pinakahuling datos ng kagawaran.   Idinagdag pa ng ahensya na ang […]

  • Bilang ng mga walang trabaho sa bansa nabawasan – PSA

    NAKABALIK na sa pre-pandemic level ang bilang ng walang trabaho sa bansa.     Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) na nitong Oktubre ay umabot na sa 4.5 percent ang bilang ng mga walang trabaho ito na ang pinakamababang level sa loob ng 17 taon.     Mas mababa pa ito ng limang porsyento noong […]