• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DTI: Mag-stock na ng pang-Noche Buena

DAHIL simula na ng “ber” months sa susunod na linggo, pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga consumers na mag-stock na ng pang Noche Buena habang hindi pa gumagalaw ang presyo ng mga bilihin.

 

 

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, hindi naman agad nai-expire ang mga panghanda sa Pasko o Bagong Taon kaya puwede nang mamili.

 

 

“Ang advice natin sa consumers, marami pong mga Christmas products na hindi naman kaagad-agad nag-i-expire. So, sa panahon na ito kung kaya rin lang natin na mag-ipon na or mag-stock na ng mga ganitong produkto, puwede na tayong mamili habang hindi pa gumagalaw ang presyo,” ani Castelo sa Laging Handa press briefing.

 

 

Sinabi pa ni Castelo na tiyak na tataas ang presyo ng mga bilihin kaya mabuting mamili na ng maaga.

 

 

Pinayuhan din niya ang mga consumers na tingnan ang mga promo packs na naka-bundle dahil mas makakamura ang mga ito ng mula P20 hanggang P70.

 

 

Posibleng sa huling linggo ng Oktubre o sa unang bahagi pa ng Nobyembre maglalabas ng Noche Buena bulletin ang DTI bilang gabay sa mga mamimili kung magkano lang talaga ang dapat na presyo ng mga produkto na panghanda sa Noche Buena. (Daris Jose )

Other News
  • Duque hindi sang-ayon na makasuhan sa PhilHealth mess: ‘I intend to clear my name’

    Dismayado si Health Sec. Francisco Duque III sa pagkakasali niya sa mga pinakakasuhan ng Senado kaugnay ng kontrobersya ukol sa umano’y korupsyon sa loob ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).   “I just finished a series of meetings and was only informed of the sponsorship speech of Senate President Sotto on the findings of the […]

  • Kuwestyon sa MIF sasagutin ng Kamara

    SASAGUTIN ng Kamara ang petisyong inihain sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa legalidad ng Republic Act (RA) 11954 o ang Maharlika Investment Fund Act of 2023.     Sa isang pahayag, sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na iginagalang nito ang direktiba ng Korte Suprema na maghain ng komento sa petisyon sa itinakdang oras.   […]

  • Alert level 3 itinaas ng DFA sa sitwasyon sa Lebanon

    DAHIL sa patuloy na kuguluhan sa pagitan ng Israel at mga katabing bansa, itinaas na sa Alert level 3 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa Lebanon.     Nangangahulugan ito, ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, na maaari na ang voluntary repatriation sa mga Pinoy para maiwasan na maipit sa bakbakan […]