• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DTI, nakatakdang ipalabas ang Noche Buena price guide

INAASAHANG ipalalabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price guide para sa Noche Buena products.

 

 

Ito’y sa gitna ng nakabinbin na price hike petition para sa holiday ham na sinasabing maaaring tumaas ng 4%.

 

 

“It will be out (price guide)  by the second week of November because not all of the manufacturers have submitted their position and prices,” ayon kay DTI Usec. Maria Blanca  Kim Bernardo- Lokin.

 

 

Aniya, may 80% ng mga manufacturer na nagpo-produce ng goods na kabilang sa  taunang Noche Buena price guide ng DTI ang nagsumite ng kanilang posisyon sa usapin.

 

 

At sa tanong kung  dapat bang asahan ng publiko ang pagtatas sa presyo ng mga sangkap ng pagkain ngayong holiday season, sinabi ni Bernardo-Lokin na nakakuha naman sila ng suporta mula sa Federation  of Filipino- Chinese Chambetrs of Commerce and Industry, INC. (FFCCCII) na huwag munang magkasa ng anumang  pagtaas ng presyo ngayong taon.

 

 

Kabilang sa mga miyembro ng FFCCCII ay ang local retailers, merchant association at mga  food manufaturer. (Daris Jose)

Other News
  • Zubiri, pinuri ang paglagda ng Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan

    PINURI ni dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang paglagda ng Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan, at sinabing ito ay “napapanahon” upang palakasin ang defense interoperability ng dalawang bansa.     Kabilang dito ang naval training ng mga sundalong Pilipino sa paggamit ng mga barko at kagamitan na binili […]

  • AFP binago ang kanilang military acquisition plan, Horizon 3 magsisimula ngayong 2023

    TINIYAK  ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na gagawin ng kaniyang administrasyon ang lahat para makahabol sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng mga delays dahil sa Covid-19 pandemic.     “Kung ano ‘yung schedule natin medyo naatras lang nang kaunti because of the pandemic. But now, we are proceeding back […]

  • VP Sara, walang respeto kina Castro at Hontiveros: ‘I have no respect for them’

    “I HAVE no respect for them.”     Ito ang matapang na sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte nang tanungin kung bakit  niya ‘singled out’ sina  ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at opposition Senator Risa Hontiveros nang magpalabas ito ng kalatas laban sa pagkuwestiyon sa paggamit ng kanyang tanggapan ng confidential […]