DTI, nanawagan sa publiko na huwag bumitiw sa pagsunod sa mga health protocols
- Published on December 23, 2020
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga Christmas shoppers na huwag bumitiw sa pagsunod sa mga health protocols para hindi na muling sumirit ang bilang ng mga mahahawaan ng Covid-19.
Sa Laging Handa briefing sinabi ni DTI sec. Ramon Lopez, na kapag lalabas ng bahay ngayong holiday season ay dapat na laging magsuot ng face mask, face shield, sumunod sa physical distancing, maghugas ng kamay, mag-disinfect at iwasan ang pagtungo sa matataong lugar.
Aniya, inilunsad ngayong holiday season ng kanilang ahensya ang staysafeph app na ang layunin ay magabayan at maipaalam agad sa publiko ang mga lugar na may Covid positive o kayay may mga Na-exposed na mga indibiduwal.
Sa kabilang dako, hinikayat naman ng kalihim ang lahat ng private establishments pati na ang mga indiBidwal na pumapasok sa mga establisyimento na i-download ang StaySafePh sa mga cellphone, dahil Ito lamang aniya ang government owned at pinayagan ng IATF. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)