• May 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DTI, pinag-aaralan na ngayon ang ilang kahilingan ng mga manufacturer na magtaas ng presyo sa bilihin

PINAG-AARALAN na ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kahilingan ng ilang mga pangunahing bilihin na magtaas ng presyo sa mga bilihin sa bansa.

 

 

Ito ay sa gitna pa rin ng kinakaharap na mataas na presyo ng produktong petrolyo na nagbubunsod naman ng pagtaas ng bilihin sa merkado.

 

 

Pag-amin ni DTI Usec. Ruth Castelo, dahil dito ay nakakatanggap na ang kanilang kagawaran ng ilang mga kahilingan sa mga manufacturers sa bansa na magtaas pa ng presyo ng kanilang produkto.

 

 

Ngunit paglilinaw niya, ito ay kinakailangan pang sumailalim sa kanilang proseso bago mapahintulutan.

 

 

Sa bahagi naman ng mga mamimili ay sinabi ni Castelo na natural lang sa mga ito na maapektuhan ng mga pagtaas na bilihin.

 

 

Pero masasabi naman daw niya na naiintindihan ng mga consumers ito ng mga consumers at ang mahalaga ay nananatiling kontrolado at bantay sarado ng kagawaran ang halaga ng mga produktong binebenta sa merkado partikular na sa mga bilihing kabilang sa suggested retail price (SRP) bulletin ng DTI.

 

 

Samantala, tiniyak naman ng opisyal na magpapatuloy ang kanilang isinasagawang pagbabantay sa presyo ng mga bilihin at hindi ito basta-bastang maaaring galawin ng mga manufactures kahit na nagpalit na ngayon ang administrasyon.

Other News
  • Pagbabagong-bihis sa gabinete ni PBBM, nagbabadya matapos ang appointment ban

    NAGPAHIWATIG na si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr.  na magkakaroon ng bagong-bihis ang kanyang gabinete sa oras na matapos na ang appointment ban sa mga talunang kandidato na tumakbo noong nakaraang eleksyon sa bansa.     Nakatakda kasing magtapos ang appointment ban sa Mayo 9, 2023.     Inamin ng Pangulo na masigasig siyang magtalaga ng […]

  • COPPER MASK WALA SA LISTAHAN NG FDA

    NAG-ALALA  ang Department of Health (DOH) sa publiko  kaugnay sa paggamit ng face mask sa gitna ng Covid-19 pandemic. Ayon sa DOH, may ilang uri ng face mask na hindi kasama sa listahan ng Food and Drug Administration o FDA bilang notified face masks. Kabilang umano na  wala sa listahan ng FDA ang isnag brand […]

  • Mahigit sa 1.4-B DSWD disaster relief funds, naka-standby para kay ‘Rosal’

    TINIYAK ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na mayroong P1.4 bilyong halaga ng standby funds ang Central Office, Field Offices, at National Resource Operations Center bukod pa sa stockpiles bilang paghahanda sa pananalasa ni tropical depression Rosal.     Maliban pa dyan, may mahigit na  547,000 family food packs ang nakahanda […]