• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duque handang ‘mabinyagan’ ng COVID-19 vaccine; hinimok din ang mga kapwa gov’t officials

Tinanggap ni Health Sec. Francisco Duque III ang hamon ng isang senador na maturukan ng COVID-19 vaccine para maibsan ang takot ng publiko sa bakuna.

 

Ayon sa kalihim, basta’t dumaan sa evaluation ng Department of Science and Technology (DOST) vaccine expert panel, research ethics board, at Food and Drug Administration (FDA) ay handa siyang gumamit ng dadating na bakuna laban sa coronavirus.

 

“Yes, definitely. That’s a no brainer. I’ll take it for as long as it has undergone the scientific evaluation by the DOST’s vaccine experts panel and the ethics board review and the FDA’s own technical and regulatory evaluation,” ani Duque sa interview ng ABS-CBN News Channel.

 

“The secretary is open to that, at ang buong DOH ay bukas, if I may say, at talagang kung kailangan mauna tayo sa pagbabakuna ay magpapabakuna tayo,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa hiwalay na media forum.

 

Ang pahayag ng kalihim ay tugon sa hamon ni Sen. Bong Go na dapat maunang mabakunahan ang Health secretary at si vaccine czar Sec. Carlito Galvez.

 

Hinimok pa nito ang mga kapwa government officials na sumali na rin sa mga unang makakatanggap ng 1st dose ng COVID-19 vaccine.

 

Paliwanag ng Department of Health (DOH) maituturing nang ligtas at may bisa ang mga bakunang pumasa na sa Phase 3 ng clinical trial.

 

Tiniyak din ng ahensya, na dadaan sa masusing review ng mga eksperto ang mga bakuna kahit pa sabihin ng kanilang manufacturers na epektibo ang dinevelop nilang COVID-19 vaccine.

 

“Itong mga bakuna kapag pumasa Phase 3 ng clinical trial, ibig sabihin ang bakuna ay ligtas at yung efficacy ay na-test na,” ani Vergeire.

 

“Kaya nga itong mga bakunang ito ay sinisigurado natin na kapag pumasok sa bansa we can be able to scrutinize it further.”

 

Ngayon pa lang ay naghahanda na raw ang DOH ng mga hakbang pantapat sa mga anti-vaxxers, o yung mga kontra sa pagbabakuna.

 

Target ng ahensya na bago matapos ang Disyembre ay makapagbahay-bahay na sila para maipaliwanag sa publiko ang mga bakuna.

 

“Please remember also na kapag nagbibigay tayo ng bakuna ay ipapaliwanag ng maayos sa community kung anong mga advantages, the adverse effects, na inherent to that vaccines na magkakaroon ang isang tao.”

 

Batay sa pinakabagong update ng Health department, lumagda na rin ng confidentiality data agreement ang DOST at kompanyang Pfizer. Isa ang naturang dokumento sa mga susi para sa aplikasyon ng clinical trial dito sa Pilipinas.

Other News
  • Inihayag na six years na lang sa showbiz: BEAUTY, tutuparin ang ipinangako sa kanyang mag-ama

    THANKFUL and feeling blessed si Kapuso actress Beauty Gonzalez, na simula nang lumipat siya sa GMA Network, sunud-sunod at iba-iba ang mga characters that she is playing.     First project niya ang romantic-drama series na Loving Miss Bridgette with Kelvin Miranda. Nasundan agad ito ng I Can See You: AlterNate, katambal si Kapuso Primetime […]

  • Navotas, DA lumagda sa MOA para sa Enhanced Kadiwa

    NAGTULUNGAN ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas at Department of Agriculture (DA) para palakasin ang Enhanced Kadiwa ni Ani at Kita Financial Grant Assistance Program.     Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco at tagapagsalita ng DA at Assistant Secretary for Consumer Affairs na si Kristine Y. Evangelista ang memorandum of agreement noong Nobyembre 21.   […]

  • 9 KATAO, NI-RESCUE NG PCG SA BAYONG AGATON

    SIYAM na katao ang maingat na nailigtas ng search and rescue team ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos matabunan ng landslide sa kasagsagan ng bagyong Agaton sa Barangay Cantagnos, Baybay City Leyte .     Katuwang ng PCG ang iba pang rescue groups sa nasabing operasyon sa mga apektadong residente kabilang ang isang buntis.   […]