• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duque kumasa kay Pacquiao sa alegasyon ng korapsyon

Kumasa si Health Secretary Francisco Duque III sa hamon na imbestigasyon ni Sen. Manny Pacquiao kaugnay sa umano’y korap­syon sa DOH.

 

 

Ayon kay Duque handa siyang ipakita sa senador kung saan nila ginastos ang pondo ng ahensiya ngayong pandemic.

 

 

“While we are disheartened by these baseless accusations from our government officials, we submit ourselves to inquiries from legislators as this is a part of the checks and balances in our government,” ayon kay Duque.

 

 

Ipinaliwanag niya na nabanggit na noon ng Department of Finance sa Senate Committee of the Whole hearing na ang inutang na pondo ng pamahalaan ay napupunta sa vaccine manufacturer mula sa funding agency.

 

 

Hindi umano dumaraan sa kamay ng DOH ang pera mula sa fun-ding agencies.

 

 

Tiniyak din ng kalihim na palaging transparent ang DOH pagdating sa paggastos dahil kaila-ngan umano na maayos na ipamahagi ang pondo para patuloy na mai-patupad ang Universal Health Care Law habang rumeresponde sila sa COVID-19 pandemic.

 

 

“Kung ang tanong ay kung handa kaming ipakita kung saan napunta ang pondo, handang handa po kami. We submit reports to concerned go-vernment agencies and even the Senate,” ayon pa kay Duque.

 

 

Matatandaan na kumasa sa hamon ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte si Sen. Manny Pacquiao na tukuyin ang mga katiwalian sa gobyerno.

 

 

Unang tinumbok ni Pacquiao ang DOH kung saan pinabubusisi niya ang gastusin sa pagbili ng rapid test kits, PPEs, masks at iba pa.

 

 

“Handa ka ba Sec. Fran­cisco Duque na ipa-kita ang kabuuan ng iyong ginagastos? Saan napunta ang pera na inutang natin para sa pandemya?,” ayon kay Pacquiao. (Daris Jose)

Other News
  • Pwedeng gumanap sa remake ng ‘Ang Tanging Ina’: MELAI, nahihiya sa titulo na bagong ‘Comedy Queen’

    SI Melai Cantiveros na raw ang maaaring tawagin na Comedy Queen of this Generation.  Dahil daw sa nakikitang kagalingan ni Melai sa pagpapatawa.  Kumbaga sa kanyang kapanabayan ay nangunguna si Melai sa naturang larangan. Pero nahihiya naman umano ang ko­medyana sa titulong ibinibigay sa kanya ng mga tagahanga. “Thank you so much sa mga nagsasabi. I […]

  • Kasama sa makikita sa bago niyang vlog… BEA, nakapagpatayo na ng Beati Farm Chapel at puwede nang mag-Holy Mass

    TIYAK na mami-miss na naman ng kanyang mga fans ang mahusay na Kapuso actress na si Jo Berry dahil sa Friday, April 22, ay magtatapos na ang Little Princess.       Kaya wish nga ng mga followers ng afternoon prime drama na masundan daw agad ito ng bagong serye, na magtatampok muli kay Jo.   […]

  • Yulo bibigyang atensiyon ang mental health

    Maliban sa physical training, nakasentro rin ang atensiyon ni world champion Carlos Edriel Yulo sa aspetong mental habang nasa puspusang paghahanda ito para sa Tokyo Oympics.     Masaya ang 21-anyos gymnast na ginagabayan ito ni Japanese mentor Munehiro Kugimiya hindi lamang sa regular workout maging sa mental training.     Isa sa mga ginagawa […]