Durant, ‘di sigurado kung kelan magbabalik sa game dahil sa panibagong injury
- Published on April 21, 2021
- by @peoplesbalita
Wala pang kasiguraduhan ang Brooklyn Nets kung kelan makakabalik ang kanilang superstar na si Kevin Durant matapos na ma-injure na naman sa game kanina kontra sa Miam Heat.
Una rito, nasilat ng Miami ang itinuturing na isa sa powerhouse team na Brooklyn, 109-107.
Sa kalagitnaan ng unang quarter pa lamang ay inilabas na sa game si Durant matapos na magtamo ng left thigh contusion.
Nakaipon naman ng walong puntos si Durant bago ito pinalabas sa playing court sa natitirang 7:57 minutes.
Sinasabing nasaktan ang kaniyang hita ng mabangga niya si Heat forward Trevor Ariza nang ito ay mag-drive.
Ayon kay Brooklyn coach Steve Nash, aalamin pa nila sa gagawing pagsusuri kay Durant kung gaano kalala ang panibago na naman nitong injury.
“He’s sore but we don’t know how severe,” ani Nash. “We’ll see tomorrow how he wakes up and go from there. But right now nothing’s been determined.”
Sa kabuuan umaabot na sa 33 games na bigong makalaro si Durant mula sa 57 games ng Brooklyn.
Sa naging laro kanina, bumida ang big man na si Bam Adebayo na siyang nagpanalo ng dalawang puntos na kalamangan ng Miami gamit ang buzzer beater.
-
Ads December 10, 2021
-
‘Everything Everywhere All At Once’, big winner sa 95th Academy Awards: MICHELLE YEOH, first Asian na manalo ng Oscar best actress at best actor si BRENDAN FRASER
ANG trippy multiverse dramedy na Everything Everywhere All At Once ang tinanghal na big winner sa 95th Academy Awards dahil sa paghakot nito ng 7 awards. Napanalunan ng naturang pelikula ang Best Picture, Best Director (Daniel Kwan and Daniel Scheinert), Best Actress (Michelle Yeoh), Best Supporting Actor (Ke Huy Quan), Best Supporting Actress […]
-
PBBM kinilala ang mga Pinoy na lumalaban ng patas sa araw-araw na buhay sa selebrasyon ng Independence day
KINILALA at binigyang-pugay ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na ang mga Pilipinong patuloy na lumalaban ng patas sa pang araw-araw na buhay. Sinabi ng Presidente na ang tunay na diwa ng kalayaan ay makikita sa bawat Pilipinong matapang na lumalaban araw-araw. Ito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos […]