Durant iniligtas ang Nets sa Mavericks
- Published on December 10, 2021
- by @peoplesbalita
Humataw si Kevin Durant ng 24 points para iligtas ang Brooklyn Nets sa unang back-to-back losses ngayong season matapos ungusan ang Mavericks, 102-99.
Bumangon ang Nets (17-7) mula sa 17-point deficit sa third quarter sa likod ng 11 points ni Durant para resbakan ang Mavericks (11-12) at patuloy na pamunuan ang Eastern Conference.
Nagdagdag si James Harden ng 23 points at 12 assists para sa Brooklyn na kanyang inilayo sa 100-97 sa huling 1:23 minuto ng laro matapos iwanan si Dallas star guard Luca Doncic.
Umiskor si Doncic ng 28 points para sa Mavericks habang naglista si Kristaps Porzingis ng 17 points at 12 rebounds.
Sa Los Angeles, kumamada si LeBron James ng 30 points, 5 assists at 4 rebounds para banderahan ang Lakers (13-12) sa 117-102 paggupo sa Boston Celtics (13-12).
Nagtala si Russell Westbrook ng 24 points at 11 assists para sa ikaapat na panalo ng Lakers sa huling anim na laro habang may 17 markers at 16 boards si Anthony Davis.
Sa San Antonio, nagsalpak si R.J. Barrett ng career-high na pitong tres para tumapos na may 32 points sa 121-109 pagpapatumba ng New York Knicks (12-12) sa Spurs (8-15).
Tinapos ng New York ang kanilang three-game losing skid sa San Antonio venue.
Nagdagdag si Alec Burks ng 18 points para sa Knicks habang may 16 at 15 markers sina Immanuel Quickley at Julius Randle, ayon sa pagkakasunod.
Pinamunuan ni Derrick White ang Spurs sa kanyang 26 points, 6 rebounds at 7 assists at naglista si Dejounte Murray ng 15 points, 7 rebounds at 7 assists.
-
Healthcare providers sa Bulacan, sinuri ang bisa ng DAT para sa TB
LUNGSOD NG MALOLOS- Birtwal na tinipon ng proyektong Adherence Support Coalition to End TB (ASCENT) ang mga manggagawa sa pangangalaga ng kalusugan sa Bulacan kasama ang iba pang may kinalaman sa pagsugpo sa TB sa lokal, rehiyon at sentral na lebel ng National Tuberculosis Control Program (NTP) upang suriin ang pagtugon ng digital adherence technologies (DATs) sa pangangailangan […]
-
Pangulong Marcos sinasapinal na SONA
ISINASAPINAL na lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang laman ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes. Sa pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, walang anumang engagement ang Pangulo kahapon. Sinabi ni Garafil na personal na sinusulat ni Pangulong Marcos ang laman ng kanyang ulat para sa bayan. “The […]
-
PBA awards isasabay sa Season 47 opening
MULING isasabay ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagdaraos ng Season 46 Awards Night sa pagbubukas ng Season 47 sa Hunyo 5 sa Smart Araneta Coliseum. Unang ginawa ito ng PBA noong Marso 8, 2020 kung saan hinirang si June Mar Fajardo ng San Miguel bilang MVP sa ikaanim na pagkakataon kasunod ang […]