• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Durant nagtala ng 26-pts sa panalo ng Nets kahit wala pa si Harden at Irving

Mistulang pasalubong ang bagong panalo ng Brooklyn Nets sa bago nilang teammate na si James Harden na lumipat mula sa Houston Rockets.

 

Nanguna sa kanyang all-around game si Kevin Durant na may 26 points upang itala ng Brooklyn ang ikapitong panalo sa kabila na siyam lamang silang mga players.

 

Para naman sa Knicks ito na ang ikaapat nilang sunod na talo (5-7).

 

Nanguna sa game ng New York ay sina Julius Randle na may 30 points at si RJ Barrett na nag-ambag ng 20.

 

Sa ngayon hindi pa naman maglalaro sa Nets si Harden makaraang mabuo ang blockbuster deal.

 

Kailangan pa kasi ang pag-apruba rito ng NBA.

 

Ang nakakagulat na paglipat ni Harden ay naging trending tuloy sa mundo ng basketball lalo na at makakabuo raw ang Brooklyn ng superteam, dahil sa pagsama-sama ng mga “big three” na sina Harden, Durant at Kyrie Irving.

 

Para naman kay Durant, umiwas muna itong pag-usapan.

 

Si Irving naman, nasa ikalimang games na hindi pa rin nakakalaro bunsod ng personal umanong kadahilanan.

 

Sinasabing tatlong mga players ng Nets na sina Caris LeVert, Jarrett Allen atd Taurean Prince ang mawawala kapalit ni Harden.

Other News
  • NTC, pinag-aaralan ang legalidad ng deactivation ng ilang internet services sa mga unregistered SIM cards

    INIHAYAG ng National Telecommunications Commission (NTC), na kasalukuyang nakikipagtulungan ito sa mga telecommunication companies upang tingnan ang legalidad ng panukalang i-deactivate ang ilang application at serbisyo ng mobile phone para sa mga user na ang mga SIM ay nananatiling hindi nakarehistro sa panahon ng 90-day na extension.     Ayon kay NTC deputy commissioner Jon […]

  • P12.4 B CRK terminal building nagkaron ng inagurasyon

    Nagkaron ng inagurasyon ang P12.4 state-of-the-art na terminal building ang Clark International Airport na ginanap noong nakaraang Sabado.     Ang nasabing bagong airport ay mayroon state-of-the-art features tulad ng contactless baggage handling at passenger check-ins and check-outs na siyang  kinatuwa ni President Duterte ng siya ay dumalo sa inagurasyon.     “We are thankful […]

  • NDRRMC, pinag-iingat ang mamamayan sa mapagsamantalang kumukuha ng donasyon sa mga biktima ng bagyo

    Nanawagan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga nais na magbigay ng anumang donasyon sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses na ibigay ito sa mga mapagkakatiwalaang grupo.   Ayon sa NDRRMC, na hindi pa rin maiwasan na may mga ilang grupo ang sinasamantala ang pagkakataon.   Dapat aniya na tignan ng […]