Duterte bakuna ng China ang ipapaturok
- Published on January 13, 2021
- by @peoplesbalita
Dahil mauunang dumating sa bansa ang Sinovac vaccine mula sa China, ito ang ituturok kay Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Sinabi ni Roque na ang bakuna mula sa Russia at sa China ang pinagpipilian ng Pangulo.
“Si Presidente po malinaw, gusto nga niyang magpaturok kaagad. Gusto niya Tsino at saka Russian. Ang tinatanong niya, puwede bang pareho? Ang tingin ko, hindi. So kinakailangan mamili ang Presidente kung Tsino o Russian ang kaniyang ipatuturok. Pero dahil mauuna ang Tsino eh baka naman po ‘no na unahin niya ang Tsino,” sabi ni Roque.
Idinagdag ni Roque na maging si Indonesian President Joko Widodo ay magpapaturok ng bakuna mula sa China sa Enero 13. Sinabi pa ni Roque na hindi niya alam kung bakit mas naging mabilis ang inaasahang pagdating sa bansa ng Sinovac.
Inulit ni Roque ang sinabi ni Duterte na hindi siya makakapaghintay ng hanggang Hulyo para sa bakuna na inaasahang darating na sa Pilipinas sa susunod na buwan. (Gene Adsuara)
-
Jobless rate nitong Setyembre 2022, bumaba kasabay ng pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong may trabaho
NAKAPAGTALA ng pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ang Philippine Statistics Authority (PSA) nitong buwan ng Setyembre, ngunit kasabay nito ay nagkaroon din ng pagbaba ang bilang ng mga indibidwal na mayroong trabaho sa bansa batay sa preliminary result ng kanilang isinagawang Labor Force Survey. Sa ulat ni PSA chief at […]
-
Fernando, lumagda sa kasunduan para sa anti-illegal recruitment at human trafficking
Lumagda si Gob. Daniel R. Fernando sa isang kasunduan para sa Anti-Illegal Recruitment Trafficking in Persons (AIRTIP) kasama ang Department of Labor and Employment, Philippine Overseas Employment Administration, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Technical Education and Skills Development Authority, League of Municipalities, at OFW Family Circle Federation of Bulacan na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium […]
-
Narco-cops walang lusot, hahabulin kahit magretiro
TINIYAK ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na kahit pa magretiro na ay hindi pa rin makakatakas sa imbestigasyon at prosekusyon ang mga tinaguriang narco-cops o yaong mga pulis na hinihinalang sangkot sa illegal drug trade sa bansa. Sinabi ni Abalos na umaarangkada na sa […]