• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte, Bato ipinatatawag ng House sa drug war EJKs

NAGPADALA na ng imbitasyon ang House Quad Committee kina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Sens. Bong Go at Bato dela Rosa sa susunod na pagdinig kaugnay ng extra judicial killing at reward system sa drug war ng nakaraang administrasyon.

 

“Nagpadala na kami ng imbitasyon kay ex President Duterte, kay Senador Go at Senador Bato,” ayon kay quad comm chairman Rep. Robert Barbers.
Sakaling hindi dumalo sa pagdinig si Duterte, sinabi ni Barbers na irerespeto nila ito.

 

Samantalang sina Go at Bato ay may mga ‘interparliamentary courtesy’ naman kung hindi ng mga ito nais na dumalo sa pagdinig.

 

 

Magugunita na noong Biyernes, ibinunyag ni dating PCSO General Manager ret. Col. Royina Garma na ginamit umano ang ‘Davao model’ sa drug war kung saan may kapalit na reward na mula P20,000 hanggang P1 milyon ang bawat mapapatay na mga drug personalities.

 

“As for the senators, of course, their names were mentioned. We want to give them a chance to respond to the allegations against them so that we can be fair,” ani Barbers. (Daris Jose)

Other News
  • NBI, ipatatawag si VP Sara kaugnay sa ‘banta’ kay PBBM

    NAKATAKDANG ipatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vice President Sara Duterte habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang gobyerno ukol sa “kill order” ng huli laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.     Sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Lunes, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na nagsimula na ang ahensya ng pag-iimbestiga […]

  • Dahil sa matitinding pinagdaanan sa buhay: LANI, nasubukan ang tatag, pananampalataya at relasyon sa asawa

    MAGKASAMA sina Jean Garcia (as Belinda) at Barbie Forteza (as Monique/Dino) sa Maging Sino Ka Man, at very vocal si Jean sa pagkilala kay Barbie bilang isang mahusay na aktres.   “Bata pa lang mahusay na siya, magaling talaga si Barbie, e!   “Kasi nanggagaling sa heart, hindi siya umaarte, kumbaga yung character pinag-aaralan niyang […]

  • 5 drug suspects, nadakma sa Malabon

    LIMANG hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang dalawang ginang ang timbog sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Malabon City.     Sa kanyang report kay NPD Acting Dirrector P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang […]