• June 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte: Beep Cards ibigay ng libre

IPINAG-UTOS ni President Duterte sa kanyang mga opisyales na ibigay na lamang ng libre and stored value cards o mas kilalang Beep cards sa mga commuters.

 

“Give the (Beep) card free,” ito ang kanyang sabi noong nakaraang Lunes ng magkaroon sila ng pagpupulong ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa Malacanang.

 

Binigyan pansin ni Duterte ang lalhat ng sangay ng pamahalaan na may kinalaman sa pagpapatupad ng cashless payment systems in public transportation lalong lalo na si Department of Transportation Secretary Arthur Tugade.

 

Ang announcement ay ipinahayag matapos ang “no Beep card, no ride policy” para sa EDSA Busway buses ay ipinatupad noong Oct. 1 subalit pinahinto ni Tugade ng limang araw noong Lunes kasunod ng complaints ng mga commuters dahil kailangan pa nilang bumili ng Beep card na nagkakahalaga ng P80 at minimum na P100. Di pa kasama ang P5 fee para sa reloading. Ang minimum balance ay P65.

 

Nilinaw ni Duterte na ang cards na ipamimigay saa mga com- muters ang libre lamang subalit kailangan pa rin bumili ng load.

 

“I would like to talk to Secretary Tugade next meeting because I would raise with him the possibility of giving it free,” dagdag ni Duterte.

 

Dahil naman sa pagtuligsa sa bayad sa Beep cards, ang AF Pay- ments Inc. (AFPI), na siyang operator ng Beep card na ginagamit sa carousel buses along EDSA ay nagsabing magbibigay sila ng 125,000 na libreng cards sa mga “people in need.”

 

Ang consortium ay tinuligsa pagkatapos ang mga pasahero ng EDSA Busway ay kailangan bumili ng Beep card na nagkakahalaga ng P180. Ang card mismo ay nagkakahalaga nt P80 samantalang ang minimum load ay P100.

 

Samantala, sinabi naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magpupulong sila sa AFCS providers at bus operator para sa guidelines ng order ni Duterte. Kanila rin pag-uusapan ang inter-operability ng cashless transactions.

 

“The cards would be eingineered to be readable even by another company’s AFCS and could be used not only in the EDSA Busway but also in other bus routes trainlines, modern jeepneys and other modes of transport that require cashless transactions,” ayon kay LTFRB technical chief Joel Bolano.

Other News
  • GSIS pensioners, magsisimula nang matanggap ang Christmas cash gift sa Disyembre 6

    SIMULA Disyembre 6 ay matatanggap na ng 300,000 old-age at disability pensioners  ng  Government Service Insurance System (GSIS) ang kanilang Christmas cash gift.     Sa katunayan ipalalabas na ang P3.47 billion na pondo para rito.     Ang  cash gift ay ike-kredito sa kanilang  eCards.     Sinabi ni GSIS President a General Manager […]

  • Nag-comment ang asawa ng ‘see you soon’: YASMIEN, masayang pinost ang ultrasound ng paparating na baby nila

    PINAKITA ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi sa Instagram ang ultrasound ng kanyang paparating na baby.     Nag-post si Yasmien ng clips ng baby na gumagalaw sa kanyang sinapupunan, pati na ang heartbeat.     “I am ALIVE! So chubby! I Love You #YourMamaDragonLovesYouSoMuch #CantWaitToSeeYou #MyBabyDragon #3rdDragon in the family #IPromiseToProtectYouAlways.” caption ng […]

  • 16 organisasyon iniuugnay sa Reds bilang ‘terror groups’

    PINANGALANAN ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang 16 na underground organizations na iniuugnay sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) bilang grupong terorista.     Sa Resolution No. 288 (2022) na may petsang Enero 26 at nilagdaan ni ATC vice chairperson at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., may nakitang probable cause ang ATC […]