Duterte binigyan na si Avisado ng otoridad para sa release ng Bayanihan 2 funds
- Published on October 29, 2020
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng Malacañang na binigyan na ng delegated authority ni Pangulong Rodrigo Duterte si Budget Sec. Wendel Avisado na ilabas na ang P51 billion pondo sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mailalabas ang pondo ngayong araw at hindi na ito dadaan sa Office of the Executive Secretary.
Ayon kay Sec. Roque, kabilang sa mga inaprubahan na ni Sec. Avisado ang P100 million na pondo sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa shared service facilities para sa “Balik Probinsya, Bagong Pag-asa” program; P5 billion augmentation fund ng National Disaster Risk Reduction and Management Framework (NDRRMF) fund; P8 billion Camp Tupad program ng Department of Labor and Employment (DOLE); P6 na billion ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa assistance for individuals in crisis situation and sustainable livelihood program.
Inaprubahan na rin ang release ng P11.62 billion ng Department of Agriculture (DA) para sa Plant, Plant, Plant program; P20.575 billion para sa health-related responses ng Department of Health (DOH); P5.1 billion para sa AKAP program ng Department of Labor and Employment (DOLE) at P500 million para sa local government support.
Aabot sa P140 billion at P25 billion standby fund ang nakapaloob sa Bayanihan 2 bilang pagresponde ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.
“Mas mabuti po ang ginawa ng Presidente. Binigyan niya po ng delegated authority si DBM Sec. Avisado para mag-approve na ng release para hindi na po yan daraan sa Office of the Executive Secretary. Alinsunod po dito, meron pitong Departamento na mari- releasan ng pondo ngayon galing sa Bayanihan 2,” ani Sec. Roque.
-
National Children’s Vaccination Day laban sa COVID-19, itinulak
HINIKAYAT ng mga health experts ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) against coronavirus disease (COVID-19) na magsagawa ng COVID-19 vaccination day para lamang sa mga bata sa gitna ng kamakailan lamang na pagsirit ng infections sa bansa. Sa isang webinar na may pamagat na “Omicron Truths and Myths, Pediatric […]
-
Rep. Defensor nagpositibo sa COVID-19
Nagpositibo sa COVID-19 si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor. Ayon kay Defensor, nalaman niyang siya ay positibo sa COVID-19 dalawang linggo na ang nakalilipas. Bukod sa kanya, aabot sa pitong kasamahan niya sa bahay kabilang ang kanyang son-in-law ang nagpositibo rin sa COVID-19. Sinabi ni Defensor na siya ay […]
-
Erik Spoelstra, pinili ng mga NBA general managers bilang ‘best head coach’
NAPILI bilang best head coach ang Filipino-American na si Erik Spoelstra ng Miami Heat sa ginawang survey ng mga leagues’s general manager. Inilabas ng National Basketball Association (NBA) ang listahan ng mga napasama sa nasabing survey ngayong 2022-2023 season. Nanguna si Spoelstra, 51, at pumangalawa lamang ang NBA defending champion […]