Duterte galit na sa iringan sa Kamara
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
NAGBANTA na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na kung hindi mareresolba ang iringan sa liderato sa House of Representatives na nagiging dahilan upang maipit ang panukalang P4.5-trilyon national budget para sa 2021 ay siya na ang kikilos.
Sa kanyang biglaang mensahe para sa bayan, sinabi ni Duterte na dapat maipasa ng legal at naaayon sa Konstitusyon ang pambansang pondo kung saan nakapaloob ang budget para sa COVID-19.
“Either you resolve the issue, sa impasse ninyo diyan and pass the budget legally and constitutionally, ‘pag hindi ginawa, ako ang gagawa para sainyo,” ani Duterte.
Sinabi rin ng Pangulo na huwag siyang idamay sa away dahil ang administrasyon niya ang sasalo sa hindi magandang nangyayari sa Kamara.
“Nakikiusap ako sa mga kasama ko sa gobyerno, yung hinalal lalo na, wag niyo na ako madamay. Ako gusto ko, kayo hindi. Diyan tayo magkaroon ng problema,” ani Duterte.
Nauna rito, ipinasa ng House sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas pero agad ding sinuspendi ang sesyon hanggang Nobyembre 16 nang hindi naipapasa sa ikatlo at huling pagbasa upang maipasa sa Senado.
Sa Oktubre 17 pa dapat ang suspensiyon ng sesyon hanggang Nobyembre 15 base sa legislative calendar ng 18th Congress.
“If you do not solve the problem then I will solve the problem for you,” anang Pangulo sa Kongreso.
Sinabi pa ng Pangulo na hindi siya magbibigay ng timeline kung papaano reresolbahin ang isyu pero ipinunto na hindi dapat madamay sa girian ang serbisyo ng gobyerno. (Daris Jose)
-
512 Bulakenyong magsasaka, mangingisda, nagtapos mula sa Farmers’ Field School, mga kurso ng pagsasanay
LUNGSOD NG MALOLOS- Apat na pangkat ng mga Bulakenyong magsasaka at mangingisda ang nakakumpleto ng kanilang season-long Farmers’ Field School (FFS) at mga kurso ng pagsasanay, nakakuha ng karagdagang kaalaman upang doblehin ang kanilang ani, at tumanggap ng kanilang katibayan at inputs sa ginanap na Mass Graduation Ceremony sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na […]
-
Ilang kaibigang medical workers ni Sec. Roque, naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19
KUMBINSIDO ang Malakanyang na kailangan na mabakunahan na ang lahat ng mga Filipino laban sa Covid-19. Ito’y kasunod ng naibahaging balita ng isang kaibigan ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa medical field at sumalang na sa vaccination program ng pamahalaan. Aniya, nakatanggap siya ng text kamakailan mula kay Dra. Menguita Padilla na […]
-
Ads May 17, 2021