• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte, Go pinuri ang modernisasyon ng Navotas Fish Port Complex

NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Navotas City Congressman John Rey Tiangco kay President Rodrigo Roa Duterte at Senator Bong Go sa kanilang suporta na naging daan para sa modernisayon ngt Navotas Fish Port Complex (NFPC).

 

 

Ayon kay Cong. Tiangco, ang kanyang House Bill 875 na naipasa na at naaprubahan sa lower chamber ay magpapaganda at magpapanumbalik sa 46-anyos na NPFC.

 

 

Aniya, ang pagpapabuti, rehabilitasyon at modernisasyon ng fish port complex ay dapat ganap na makumpleto sa loob ng limang taon mula sa bisa ng batas.

 

 

“Nagpapasalamat po tayo kay Pangulong Duterte at Senator Go sa kanilang pagsuporta sa proyektong ito na talagang makakabuti para sa mga kababayan nating mga Navoteño”, ani Cong. Tiangco.

 

 

Pinuri rin ng mambabatas ang lahat ng bumubuo ng Philippine Fisheries and Development Authority (PFDA) sa pamumuno ni General Manager Glen Pangapalan sa kanilang mahusay na pamamahala kaya naaprubahan ng National Economic Development Authority ang modernisasyon ng NFPC.

 

 

Dagdag niya, ang mga dating lubog na kalsada sa loob ng NFPC ay sinimulan ng taasan, nasimulan na rin ang expansion ng Pier 2, 3 at 4, ginagawa na rin ang Market 3.

 

 

Marami pa aniya ang kasama sa plano, bagong ship repair yard, pagpapalaki ng pier 5 at iba pang pasilidad para sumuporta sa mga mangingisdang Navoteño at sa industriya ng pangisdaan.

 

 

Samantala, sinabi naman ni Mayor Toby Tiangco na ipagpapatuloy niya ang pagsuporta sa nasimulang modernisasyon ng NFPC na maghahatid ng mas maraming oportunidad ng hanapbuhay at trabaho para sa mga Navoteño. (Richard Mesa)

Other News
  • Pinay tennis star Alex Eala umangat ang ranking sa WTA

    Umangat ang WTA ranking ni Filipina tennis player Alex Eala.       Mula sa dating 737 noong nakaraang buwan ay nasa 715 na siya ngayon. Ito na ang pinakamataas na ranking na narating ng 15-anyos na tennis player.       Noong nagsisimula pa lamang ang taon ay nasa ranked 1190 ito. Nag-improve ang […]

  • Clarkson tiniyak na babawi, pipilitin na ipanalo ang laro vs Saudi

    HINDI naiwasan na masisi rin ni NBA star Jordan Clarkson ang kanyang sarili sa pagkatalo kaninang madaling araw ng Gilas Pilipinas sa kamay ng national team ng Lebanon.     Ayon kay Clarkson, sumablay kasi ang tatlo niyang mga tira na may mahigit dalawang minuto ang nalalabi sa game.     Una nang nakapagtala ng […]

  • Hungarian foreign minister, nag-courtesy call kay PBBM

    MAINIT na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Hungarian Minister of Foreign Affairs and Trade Peter Szijjarto sa Palasyo ng Malakanyang.     Ang courtesy call ni Szijjarto sa Pangulo ay naglalayon na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Hungary.     ”Well, I’m very happy to welcome you once again to […]