• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte idepensa vs ’ICC probe sa drug war’

PINANGUNAHAN  ni dating Pangulo at ngayo’y House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo at 18 pang mambabatas ang nagkakaisang panawagan sa Kamara para suportahan at ipagtanggol si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng imbes­tigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng umano’y madugong giyera kontra droga sa panahon ng termino nito.

 

 

Ipinunto ni Macapagal Arroyo (2nd District Pampanga) na ang Pilipinas ay kumalas na sa pagiging miyembro ng ICC noon pang 2019.

 

 

Ang 19 mambabatas ay naghain ng House Resolution (HR) No. 780 na pinamagatang “A Resolution In Defense of former President Rodrigo Roa Duterte, the 16th President of the Republic of the Phi­lippines, Against Investigation And/Or Prosecution of the International Criminal Court”, na humihikayat sa Kamara na ideklarang “unequivocal defense of former President Rodrigo Roa Duterte.”

 

 

Binigyang diin sa HR 780 na katangi-tangi ang naging accomplishments ni dating Pangulong Duterte sa giyera nito kontra droga, insurgency, separatism, terorismo, korapsyon sa gobyerno at kriminalidad na nakatulong para mapagbuti ang buhay ng mga Pilipino bilang mahusay, kompor­table at matiwasay.

 

 

Idinagdag pa ni Arroyo na nakabuti sa bayan ang drug war ni Pangulong Duterte dahil nakapamuhay ng mapayapa ang mga Pilipino, nawala ang mga holdaper at nakakapag­lakad na ng payapa ma­ging sa kadiliman ng gabi sa panahon ng termino ni Digong. (Daris Jose)

Other News
  • Bidang-bida sa three-part erotic series: VINCE, ‘di lang suwerte kundi blessed kaya ganun na lang ang pasasalamat

    AMINADO sina Vince Rillon at Ayanna Misola na nakaramdam sila nang matinding pagod na gawin nila sa pinag-uusapang extended love scenes sa ‘Larawan’ na unang bahagi ng Vivamax erotic three-part series na L, mula sa direksyon ni Topel Lee.           Napanood nga ito last February 27 sa pamamagitan ng streaming sa Vivamax. Written and […]

  • Richard Bachmann: New PSC Chairman

    Tinalaga ng Malacañang si Richard Bachmann bilang bagong Chairperson ng Philippine Sports Commission (PSC).     Ang dating University Athletic Association of the Philippines Commissioner ay magiging kapalit ni Noli Eala, na nai-appoint ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong buwan lamang ng Agosto.     Maliban sa pagiging bahagi ng Athletic Association, naging team governor […]

  • Jeff Goldblum Explains Grandmaster’s Role in the Upcoming MCU Sequel, ‘Thor: Love and Thunder’

    JEFF Goldblum recently explained the Grandmaster’s role in the upcoming MCU sequel, Thor: Love and Thunder.     The highly-anticipated film finds the titular character picking up the pieces of his life shortly after the events of Avengers: Endgame. With Thanos defeated and Asgard destroyed, Thor (Chris Hemsworth) travels with the Guardians of the Galaxy […]