Duterte, itinalaga si Torres bilang bagong Nolcom commander
- Published on January 19, 2022
- by @peoplesbalita
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Maj. Gen. Ernesto Torres Jr., dating Civil Relations Service of the Armed Forces of the Philippines (CRSAFP) chief, bilang bagong commander ng Northern Luzon Command (Nolcom).
Pinalitan ni Torres si dating Nolcom commander, Lt Gen. Arnulfo Marcelo Burgos.
Sa liham kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na may petsang Enero 7, sinabi ng Pangulo na tinanggap niya ang endorsement ng Kalihim na italaga si Torres bilang bagong Nolcom commander.
“I wish to inform you that, per your letter-endorsement and in accordance with the recommendation of the Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines (AFP) and Chairman AFP Board of Generals, pursuant to Republic Act No. 8186, as amended by Republic Act No. 9188, the designation of Major General Ernesto C. Torres Junior O-10054 Philippine Army as Commander, Northern Luzon Command, Armed Forces of the Philippines vice Lt. Gen. Arnulfo Marcelo B. Burgos Jr. O-9865 PA is hereby approved effective this date,” ang nakasaad sa sulat.
Bago pa ang kanyang appointment, pinamunuan ni Toress ang Joint Task Force Haribon at naging deputy commander ng Eastern Mindanao Command.
Si Torres, miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1989. Naging commander din si Torres ng 1003rd Infantry Brigade and Army assistant chief of staff for personnel, o G-1.
Kinilala naman ang “combat and administrative” n i Torres na may ilang Distinguished Service Stars, Distinguished Service Medals, Meritorious Achievement Medals, Bronze Cross Medals, and Outstanding Achievement Medals, at iba pa.
Samantala, inaprubahan naman ni Pangulong Duterte ang appointments nina Col. Adonis Ariel G. Orio at Col. Randolph Cabangbang na may ranggong Brigadier General.
Ang appointments kapwa nina Orio at Cabangbang ay nakumpirma sa liham kay Lorenzana mula Pangulong Duterte na may petsang Enero 16. (Daris Jose)
-
Bulacan, wagi ng iba’t ibang parangal sa TOPS Regional Award 2021
LUNGSOD NG MALOLOS – Tumanggap ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office ng tatlong malalaking parangal sa katatapos lamang na The Outstanding Population Structure (TOPS) Regional Award 2021 na pinangunahan ng Commission on Population and Development-Region III noong Miyerkules, Disyembre 15, 2021 sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga para […]
-
Nagli-lipsync sa song na “Part of Your World’: DENNIS, kinaaliwan ng mga netizen sa Tiktok video post
NABU-BULLY noong bata si Yasser Marta dahil sa pagiging “mabalahibo” niya. Ngayon ay tanggap na niya ang pagiging balbon bilang isang asset ng kanyang pagiging Kapuso hunk. “Kasi noong bata ako, binu-bully ako dahil sa buhok eh. Unggoy daw, laging sinasabing buhok na tinubuan ng tao. Natutunan ko na rin pong […]
-
Nakagugulat ang pagiging daring: JULIA, game na game na nakipag-laplapan kay DIEGO
KUNG pamilyar ang sino man sa hallway ng ABS-CBN, tila ganito ang ginawa ng TV5, Mediaquest sa bago nilang mga Kapatid na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at ang mga legits dabarkads. Nang magkaroon nang contract signing ang mga ito kasama si M.V.P. (Manny V. Pangilinan) at iba […]