• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte PDP-Laban wing, inendorso ang presidential bid ni BBM

INENDORSO ng PDP-Laban faction na suportado ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang presidential bid ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa nalalapit na halalan sa bansa.

 

 

Ito’y matapos na ilarawan ni Pangulong Duterte si Marcos bilang “spoiled” at “weak leader relying on his dad’s name.”

 

 

Nakasaad sa PDP-Laban National Executive Committee resolution na nilagdaan ni Party president Energy Secretary Alfonso Cusi at iba pang party officials na “Senator Bongbong Marcos is the candidate whose platform is most aligned with the development program of President Rodrigo Roa Duterte…”

 

 

Nauna rito, in-adopt ng Cusi wing ang running-mate ni Marcos na si Davao City Sara Duterte-Carpio, anak ni Pangulong Duterte bilang vice presidential bet nito sa May elections.

 

 

Anito, ang liderato at track record ng Alkalde “make her most qualified for the position she is now aspiring for and therefore deserves the party’s support.”

 

 

At sa tanong kung bakit hindi inendorso ng PDP-Laban si Marcos nang panahon na inendorso si Mayor Sara ay sinabi ni Cusi na : “We are still yet to be convinced…It is not just a question of what you hear or what they say. What is important is what they do…It is the credibility of the person.”

 

 

Sina Marcos at Duterte-Carpio, tinawag na “UniTeam,” ang siyang nangunguna sa pre-election polls.

 

 

Samantala, pinasalamatan naman ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos ang PDP-Laban faction para sa kanilang pag-endorso.

 

 

“The trust it placed in him inspires us beyond measure, for it signals that our message of national unity is gaining ground,” ayon kay Rodriguez.

 

 

“It is truly assuring but at the same time challenging us to be even more prepared,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, kinondena naman ni Senador Koko Pimentel, nangunguna sa isa pang PDP-Laban faction kasama si Senador Manny Pacquiao, na tumatakbo bilang pangulo ang ginawang pag-endorso kay Marcos . Ang naging hakbang aniya ay ginawa ng mga “estranghero” sa PDP-Laban.

 

 

“With this latest action from Sec Cusi and his cohorts, they have manifested that they are total strangers to PDP LABAN. They don’t even acknowledge that PDP LABAN was established to oppose the Marcos dictatorship,” ayon kay Pimentel.

 

 

“In Germany for example, a political party formed to oppose Adolf Hitler will definitely not support an Adolf Hitler Jr. Logic lang yan. Consistent with the PDP LABAN history and party constitution,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • Mag-ingat sa holiday text scams

    NAGBABALA si Navotas Rep. Toby Tiangco sa publiko na maging mapagbantay sa tumitinding sopistikasyon ng text scams na tumatarget sa mga e-wallet users.   Ang paalala na ito ni Tiangco, chairman ng House Committee on Information and Communication Technology, kasunod na rin sa pagtaas ng bilang ng scam messages gamit ang lehitimong e-wallet advisories.   […]

  • Lakers pinaburan na manalo sa game 3 West Conference semis kontra Rockets

    Nagiging paboritong manalo ng maraming basketball analyst ang Los Angeles Lakers sa game 3 Western Conference semifinals nila ng Houston Rockets.     Ito ay matapos na agad na nakapag-adjust ang Lakers sa Rockets noong Game 2.     Napag-aralan umano ng Lakers ang laro ng Rockets noong sila ay natalo sa Game 1.   […]

  • Ads December 9, 2020