• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte sa DENR: Illegal mining sa Cagayan imbestigahan

Pinaiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Enrivonment Secretary Roy Cimatu ang umano’y illegal mining na dahilan ng malawakang landslides at pagbaha sa kasagsagan ng bagyong Ulysses sa lalawigan ng Cagayan at Isabela.

 

Ito ang ipinag-utos ni Duterte sa ginanap na situation briefing sa Cagayan kung saan maaa­ring ang talamak na mi­ning activities umano sa nasabing lalawigan ang dahilan ng pagguho ng mga lupa, kaya nagkakaroon ng landslide doon lalo na tuwing malakas ang buhos ng ulan.

 

“Kapag maraming butas, maraming tubig na pumapasok sa loob ng lupa. That’s why, kapag ano… landslide. It loosens the soil. So kaya ang mi­ning, maraming butas, yan ang i-control mo,” utos pa ng Pangulo kay Cimatu.

 

Inatasan din ni Duterte ang kalihim na mag-inventory para makita kung maraming butas ang lupa kung saan dito pumapasok ang maraming tubig dahilan para lumambot.

 

Tugon naman ni Cimatu, base sa kanyang natanggap na ulat, may 10 indibidwal ang nasawi dahil sa landslides sa kasagsagan ng bagyo, kaya iprinisinta rin niya ang hazard map.

 

Sa hazard map nakikita umano ang mga lugar kung saan hazard prone para sa landslide at kung saan nangyari ang mga pagbaha.

 

Paliwanag naman ng kalihim walang permit na ibinigay para magmina sa nasabing lugar maliban na lamang sa small scale mining kaya maituturing itong illegal.

 

Sinabi pa ni Duterte, na illegal mining ang dahilan kung saan karamihan ay nasawi kaya dapat sampahan ng kaso at maglabas ng cease and desist order para sa mga taong nasa likod nito.

 

Nauna na ring pinaim­bestigahan ni Duterte ang umano’y quarrying ope­rations sa Guinobatan, Albay na nirereklamo ng mga residente doon matapos silang hagupitin ng bagyong Rolly.

 

Kaagad namang sinuspinde ni Cimatu ang quarrying operations sa Guinobatan matapos ang bagyong Rolly nang ma­diskubre na bumababa ang tubig-baha mula sa dalisdis ng Bulkang Ma­yon at dumadaan sa tatlong ilog kung saan mayroong 11 quarrying operations. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Single rin ang gusto niyang makarelasyon: CIARA, nagulat na lang na nali-link pala kay JAMES

    PARANG si Buboy Villar ang isa sa pinaka-guwapong leading man ng taong ito, huh!     Sa GMA-7 na lang ay ilang Kapuso actresses na ang patok din ang tandem sa kanya.     At sa kanyang bagong movie, ang ‘Ang Kwento ni Makoy’ direksyon ni HJCP at produksyon ng Masaya Studio Inc., kung hindi […]

  • 1,000 PAMILYA SA CEBU BINIGYAN NG LIBRENG PABAHAY NG GOBYERNO – NOGRALES

    Pinangunahan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles kasama ang mga opisyal ng National Housing Authority at LGU ang ginanap na ceremonial turnover ng Yolanda housing units sa Santa Fe, Cebu noong Martes, Abril 20, 2021 na aniya’y katuparan ng pangako ng administrasyong Duterte na kumpletohin at agarang ipamahagi sa bawat benepisyaryo ang mga libreng pabahay.   […]

  • Notice to the Public

    We would like to inform the public that Ms. Weng Visagar is no longer connected with People’s Balita. Any advertising/legal notices transactions from her will no longer be valid.