Duterte sa mga Pinoy: ‘Maraming salamat sa inyo’ “Sa sambayanang Pilipino, maraming, maraming salamat sa inyo.”
- Published on June 29, 2022
- by @peoplesbalita
ITO ang maiksing pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga tagasuporta na nagdaos ng isang “farewell concert” para sa kanya, nitong Linggo ng gabi sa Quirino Grandstand sa Luneta, Maynila.
Kahit bumuhos ang ulan, hindi ito inalintana ng libu-libong nagmamahal sa Pangulo na dumagsa sa “Salamat, PRRD” event.
“Sa sambayanang Pilipino, maraming, maraming salamat sa inyo.”
Ito ang maiksing pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga tagasuporta na nagdaos ng isang “farewell concert” para sa kanya, nitong Linggo ng gabi sa Quirino Grandstand sa Luneta, Maynila.
Kahit bumuhos ang ulan, hindi ito inalintana ng libu-libong nagmamahal sa Pangulo na dumagsa sa “Salamat, PRRD” event.
“Maiksi lang ito. Sa sambayanang Pilipino, maraming, maraming salamat sa inyo,” saad ni Duterte sa mga tagasuporta saka bumalik sa kaniyang upuan katabi ng kaniyang partner na si Honeylet Avanceña.
Hindi pa dito nagtatapos ang gabi para kay Duterte nang sumabay siya sa pagkanta ng grupo ng mga doktor at medical frontliners sa awit na “Fill the World with Love”. Pagkatapos nito, naki-duet rin siya sa singer na si Martin Nievarra sa awit na “Ikaw”, kasabay ng fireworks display.
Nagkaroon din ng drone show na mga salitang “Salamat” at “PRRD”, mukha ng Pangulo, simbolo ng kanyang kamao, at watawat ng Pilipinas.
Kasama rin ng Pangulo sa stage si Sen. Bong Go, Sen. Imee Marcos, at Senator-elect Robin Padilla.
Ayon sa mga organizers, higit sa 3,500 ang dumalo sa concert na galing sa iba’t ibang parte ng Metro Manila at mga karatig-lalawigan.
Si Pangulong Duterte ay bababa sa puwesto pagsapit ng tanghali ng Hunyo 30.
-
Ads April 14, 2021
-
Manila RTC Judge Jaime Santiago, bagong NBI director
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si retired Judge Jaime Santiago bilang director ng National Bureau of Investigation (NBI). Si Santiago ay nanumpa na sa kanyang puwesto kay Executive Secretary Lucas Bersamin kahapon ng umaga. Nagsilbi si Santiago sa Western Police District (WPD) mula 1979 hanggang 2000. Nagtapos din […]
-
2.04 milyong Pinoy, tambay noong Abril — PSA
TUMAAS ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong Abril ngayong taon. Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, nasa 2.04 milyon ang mga Pinoy na 15-anyos pataas ang walang trabaho na mas mataas kumpara sa 2 milyon na naitala noong Marso. Sabi ni […]