Duterte, sa puwet magpapabakuna
- Published on January 29, 2021
- by @peoplesbalita
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinal na ang hindi pagsasapubliko nang pagpapabakuna ng Pangulo dahil hindi siya sa braso tuturukan.
“I think so (gagawing pribado), he has said so. Sabi nga niya dahil sa puwet siya magpapasaksak so hindi pupuwedeng public,” ani Roque.
Nauna rito, mismong si vaccine czar at National Task Force COVID -19 chief implementer Carlito Galvez Jr. ang humiling sa Pangulo na tumulong sa kampanya upang mas tumaas ang tiwala ng publiko sa bakuna.
“Ito po ang medyo may problema po tayo na talagang dapat po pagtulungan po natin. Alam po namin na malaki po ang maitutulong ng ating Mayor, Presidente, Mr. President, kasi po talagang bumababa po ‘yung willingness at saka ‘yung uptake ng ating mga kababayan dahil nga po sa mga tinatawag nating mga nakikitang mga adverse effect ng certain brands,” ani Galvez.
Ayon pa kay Galvez, malakas sa social media ang mga anti-vaxxers o kontra sa bakuna.
Sinabi naman ni Roque na mahalaga ang papel ng Pangulo sa communication plan at mismong ang Pangulo pa ang endorser ng mask, hugas, iwas.
Matatandaan na unang sinabi ni Duterte na isasapubliko ang kanyang pagpapabakuna na imposible nang mangyari kung sa puwet ito tuturukan.
-
Paggamit ng SUCs bilang quarantine facility, tuluy-tuloy lang-CHED
Tuluy-tuloy ang paggamit ng State Universities at Colleges SUCs bilang quarantine facilities hanggang kailangan ng local governments ang pasilidad ng state universities. Sinabi ni Commission on Higher Education (CHED) CHED Chairman Prospero De Vera na may 28 state unviersities at colleges ang ginagamit ngayon bilang quarantine facilities habang nananatiling ipinagbabawal ang klase sa mga campus dahil […]
-
Masaya para sa kanyang kaibigan: BITUIN, ‘di nagulat nang i-announce ni SHERYN na may karelasyong girl
HAPPY si Bituin Escalante para sa kaibigan niyang si Sheryn Regis. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang tungkol sa same-sex relationship nina Sheryn at partner nitong si Mel de Guia. Tatlong taon na ang kanilang relasyon. “I’ve never seen her as happy as she is now,” bulalas ni […]
-
Pamilya ng mga drug war victims: Duterte dapat managot
NAGTIPON ang pamilya ng mga biktima ng madugong “drug war” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Linggo upang gunitain ang ika-walong anibersaryo nang pag ala-ala sa kanilang mga namatay na kamag-anak. Ginawa ang pagtitipon sa Siena College Chapel kung saan nanawagan sila na dapat managot si Duterte ang iba pang sangkot sa pagkamatay […]