• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte, tiniyak ang tulong sa pamilya ng mga nasawing sundalo sa C130 plane crash

Personal na binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Zamboanga City kung saan doon inihatid ang mga nasawi at sugatang sundalo dahil sa pagbagsak ng kanilang C-130 transport plane nitong nakalipas na Linggo.

 

 

Nangako rin ang pangulo sa mga kaanak ng mga nasawing sundalo para sa ibibigay na mga tulong.

 

 

Bilang aniya commander-in-chief, masakit sa kaniya ang malagasan ng maraming sundalo.

 

 

Tiniyak nito na hanggang sa kaniyang pagtatapos ng termino ay dadagdagan niya ang mga benepisyo na ibibigay sa mga pamilya ng mga nasawing sundalo.

 

 

Iginawad din ng pangulo ang Order of Lapu-Lapu Rank of Kampilan sa mga sugatan at ang Order of Lapu-Lapu with Rank of Kalasag sa mga napatay na mga sundalo.

 

 

Magugunitang kabilang ang tatlong sibilyan sa nadamay sa pagbagsak ng eroplano kung saan ang mga ito ay nagtatrabaho sa quarry malapit sa paliparan ng Patikul, Sulu.

 

 

Samantala, nagsasagawa na ng “full investigation” ang Armed Forces of the Phi­lippines sa pagbagsak ng Hercules C-130 plane ng Philippine Air Force, kamakalawa ng umaga sa Brgy. Bangkal, Patikul, Sulu.

 

 

Sinabi ni AFP spokesman Major Gen. Edgard Arevalo, na hinahanap na ng militar ang flight data recorder o black box ng C-130.

 

 

Nasawi sa trahedya ang 52 indibiduwal kabilang ang 49 sundalo at 3 sibilyan habang sugatan ang 47 sundalo at apat na sibilyan.

 

 

“Tama ang kaniyang speed paglapag. The gears landed on the right spot. Subalit for unknown reason, ay nag-overshoot ito sa runway kaya ito ang aalamin sa investigation,” dagdag pa ni Arevalo.

 

 

Bagama’t hindi brand new ang eroplano, nasa maayos naman itong kondisyon.

 

 

Umakyat naman na sa 52 ang nasawi sa pagbagsak ng C-130 plane sa Sulu.

 

 

Sinabi ni Department of Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na mayroong dalawa pang nasawi na sundalo habang sila ay nasa ospital.

 

 

Sa kabuuan ay mayroong 49 na sundalo ang nasawi at tatlo naman ang sibilyan na nadamay.

 

 

Mayroon namang 51 ang nasugatan kung saan 47 dito ay mga sundalo at apat ang sibilyan.

 

 

Magugunitang 96 na mga sundalo ang Philippine Air Force (PAF) C-130 na eroplano habang papalapag na sana sa paliparan sa Sulu. (Daris Jose)

Other News
  • Pinakamataas na daily tally ng COVID-19 sa PH sa loob ng halos isang buwan, naitala ng DOH

    NAKAPAGTALA ng nasa kabuuang 690 na mga karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa ang Department of Health (DOH).     Ito ang pinakamataas na daily tally sa mga kaso ng nasabing virus na naitala ng kagawaran mula noong Marso 7, kung saan 332 sa mga ito ang nagmula sa Metro Manila.     Bukod dito […]

  • JUANCHO, nahirapan nang biglang nawalay sa kanyang mag-ina na sina JOYCE at ELIAM dahil sa lock-in taping

    NAGING mahirap daw para kay Juancho Trivino ang malayo sa kanyang mag-ina noong mag-lock-in taping siya para sa teleserye na Little Princess.   Ilang months pa lang daw ang baby nila ni Joyce Pring na si Eliam nang mawala siya for almost two months para magtrabaho.   “Nakakalungkot na bigla akong nawalay sa baby namin […]

  • LTFRB: P860 M incentives na ang naibibigay sa mga drivers ng PUVs

    May P860 million ng halaga ang naibibigay at naipamamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga public utility drivers (PUVs) sa buong bansa.     Ang programa ay sa ilalim ng service contracting ng pamahalaan kung saan binibigyan ang mga PUVs drivers ng mga incentives ayon sa kanilang nalalakbay na kilometro.   […]