Duterte umaasang ‘di mas mapanganib ang bagong ‘monster’ na COVID-19 variant
- Published on January 15, 2021
- by @peoplesbalita
Nababahala umano si Pangulong Rodrigo Duterte matapos makapasok na sa Pilipinas ang bagong variant ng COVID-19.
Sa kanyang weekly address, sinabi ng Pangulong Duterte na umaasa itong hindi mas mapanganib ang bagong variant ng coronavirus na unang na-detect sa United Kingdom.
“And I pray to God, really, na sana hindi ito more dangerous, more toxic than the original COVID,” wika ng Pangulong Duterte.
“Yung ginagawang bakuna ngayon, kasi bago ito, titignan ng mga experts, mga doctor. They will raise the alarm sabi nga ni Doctor Duque ngayong gabi, pupuntahan nila to make sure para we can take steps to isolate, sequester, and maybe treat them para hindi na mapasa sa iba,” dagdag nito.
Dagdag pa ng presidente, mahalagang malaman kung sinu-sino ang mga nakasalamuha ng pasyente pagdating sa Pilipinas mula sa United Arab Emirates (UAE).
“Importante ito kung sino ‘yung mga tao na kinausap nila pagdating nila… Kaya lalabas itong [contact] tracing, ita-trace, hahanapin ‘yung mga tao tapos i-examine sila for their own good,” ani Duterte.
Iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III na dumating sa Pilipinas ang pasyente na may UK variant noong Enero 7.
Nanggaling ito sa Dubai kasama ang kanyang nobya, na lumabas na negatibo sa coronavirus.
Sa kabila nito, isinailalim pa rin sa mahigpit na quarantine at monitoring ang partner ng pasyente. ( ARA ROMERO)
-
BFP fire truck bidding, iimbestigahan ng DILG
IIMBESTIGAHAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang di umano’y “restrictive” bidding process ng Bureau of Fire Protection (BFP) para sa fire trucks nito. Nauna na kasing naghain ang Makabayan Bloc ng batas na nananawagan at humihiling ng imbestigasyon sa procurement proces sa BFP, sabay sabing ang “restrictive procurement process practically […]
-
‘Ten Little Mistresses’ holds world gala premiere ahead of Feb. 15 release on Prime Video
PRIME Video launched Ten Little Mistresses, on Tuesday, February 7, in a blue carpet gala premiere ahead of its February 15 streaming. The streaming giant will switch on its first Filipino Amazon Original movie in over 240 countries and territories. The murder-mystery comedy film stars Eugene Domingo, Christian Bables, Pokwang, Arci Muñoz, Carmi […]
-
4 tulak timbog sa buy bust sa Malabon at Valenzuela
MAHIGIT sa P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang tulak ng illegal na droga kabilang ang isang High Value Individual Regional Level na naaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon at Valenzuela Cities. Ayon kay PCpl Pamela Joy Catalla, alas-12:45 ng madaling araw nang magsagawa […]