Duterte: Walang drug war reward system
- Published on October 21, 2024
- by @peoplesbalita
MARIING itinanggi ni dating pangulong Rodrigo Duterte na may reward system na ipinatupad ang kanyang administrasyon kontra sa ilegal na droga.
Sa pahayag ni Duterte, sinabi nito na tanging pabuya lang na pagkain at pagbati ang ibinibigay niya sa mga pulis na matagumpay na natapos ang kanilang misyon.
Matatandaan na ibinunyag sa pagdinig ng House Quad Committee ng malapit kay Duterte na si dating retired police Col. Royina Garma na mayroong cash reward na binabayaran sa bawat pagpatay sa war on drugs ng administrasyong Duterte na mula P20,000 hanggang P1 milyon.
Base sa rekord ng pulisya, umabot sa 6,000 ang drug personalities sa war on drugs ng nakaraang administrasyon. (Daris Jose)
-
June 28, idineklara ng Malakanyang bilang national holiday
INANUNSYO ng Malakanyang na national holiday ang Hunyo 28, 2023 sa buong bansa bilang pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice. Ang Proclamation No. 258, may petsang Hunyo 13, 2023 at nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ay nagsasaad na “ang Eid’l Adha ay isa sa “greatest feasts” ng Islam na ipinagdiriwang […]
-
Dream na mag-comedy sila after ‘The Kingdom’… VIC, ‘di pinalampas na makasama si PIOLO kahit nahirapang mag-drama
PANAHON na naman at pinag-uusapan na ng netizens ang nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF), na gagawa ng milestone edition sa ika-50 festival ngayong taon. Ngunit mayroong isang pelikula sa MMFF na malinaw na lumilikha ng matinding excitement na mahirap balewalain, ito ang pelikulang pinagbibidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascual ang […]
-
512 Bulakenyong magsasaka, mangingisda, nagtapos mula sa Farmers’ Field School, mga kurso ng pagsasanay
LUNGSOD NG MALOLOS- Apat na pangkat ng mga Bulakenyong magsasaka at mangingisda ang nakakumpleto ng kanilang season-long Farmers’ Field School (FFS) at mga kurso ng pagsasanay, nakakuha ng karagdagang kaalaman upang doblehin ang kanilang ani, at tumanggap ng kanilang katibayan at inputs sa ginanap na Mass Graduation Ceremony sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na […]